First time ko naka attend ng novena ng katoliko. Hindi dahil sa trip ko, kundi dahil required kaming sumali dun sa mga nurse na nag nonovena tuwing first wednesday ng buwan. Napa-nganga ako talaga kung paano nila sambahin si Mary.
Naalala ko yung sabi ng kaibigan ko na kaya daw nananalangin kay Mary ay para ipaalala daw kay Jesus Christ yung mga panalangin nila. Sabi pa nga niya nung nasa simbahan siya, bago siya lumabas ng simbahan meron daw siyang nakitang santo dun sa may pintuan. Nanalangin siya sa santo sabi niya "Sorry po kung hindi kita kilala pero ipagpray niyo naman po ako oh, sana makapasa ako sa board exam ko". Muntik na ko mapatambling nun.
Wala naman akong against sa mga Catholics, dala lang din kaya sila nag-kaganun ay dahil sa mga itinuturo sa kanila. Kumbaga biktima lang sila ng mga turo ng mga namumuno sa kanila. Anyhow, inihaw, meron akong ilang naalala sa novena nila. Ito ang ilan. . .
1. Si Mary daw ay walang kasalanan. Mary "The All-Holy" Lived a perfectly sinless life.
Sabi sa Bible
Romans 3:23 "For all have sinned, and come short of the glory of God".
Romans 3:10 "There is none righteous, no, not one".
2. Si Mary daw ay virgin before and after the birth of Jesus. Kaya pala nila tinatawag na Virgin Mary.
Sabi sa Bible merong mga kapatid si Jesus. Ibig sabihin hindi na virgin si Mary after niyang ipanganak si Jesus. Matthew 13:54-56 "Coming to his hometown, he began teaching the people in their synagogue, and they were amazed. "Where did this man get this wisdom, and these miraculous powers?" they asked. Isn't this the carpenter's son? Isn't his mother's name Mary, and aren't his brothers James, Joseph, Simon and Judas? Aren't all his sisters with us? Where then did this man get all these things?"
- - - -
Back to kaya daw sila nag pepray kay Mary para ipaalala kay Jesus ang mga prayers nila, nalalabuan ako dun. Kung makakalimutin din lang naman pala si Jesus bakit pa ako mag pepray sa kanya? Tapos tinanong ko yung katabi ko bakit paulit ulit yung panalangin nila kay Mary mga ilang ulit ata yun sabi niya para marinig niya tayo. Napa-hala na lang ako! Ayoko naman mag pray sa bingi. Anlabo!.
Good article to about Mary, sulat ng dating Madre. If you have time please take time to read. CLICK HERE God bless and may you know more about JESUS CHRIST.
At para sa mga sumasamba sa mga rebulto may sinabi rin si God patungkol diyan.
Exodus 20:4-6
“You shall not make for yourself a carved image, or any likeness of anything that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth. You shall not bow down to them or serve them, for I the Lord your God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers on the children to the third and the fourth generation of those who hate me, but showing steadfast love to thousands of those who love me and keep my commandments.