Monday, October 21, 2013

JESUS NEVER ATTENDED FUNERALS

Sa palagay ko nung nabubuhay pa si Jesus, hindi niya masiyadong trip ang pag attend ng mga burol. Malamang nung panahon niya maraming namamatay at marami rin ang binuburol. Wala akong alam sa Bible na umattend siya sa isang funeral. I think Jesus never attended a funeral. Bakit ko nasabi? I can't imagine Jesus sitting in a funeral. Laughtrip siguro ako nun kung umattend siya sa isang burol, tapos nakaupo lang siya habang pinapanood ang mga umiiyak na kamag anak ng yumao.

Kung umattend man siya at hindi naisulat sa Bible hindi ko na alam yun, o hindi ko pa lang nabasa. Pero mukhang 99.9% sure akong walang nangyaring ganong kaganapan. Kung umattend man siya I think all eyes had to be on him. The expectations were palpable knowing ng mga tao na kaya ni Jesus bumuhay ng mga patay eh malamang ipapabuhay ng kamag anak yung patay nila kahit kapalit pa ng bahay, ipad, iphone, baka, kabayo at mga kalabaw nila. Buti hindi naging business minded si Jesus, kundi instant millionaire siya nun sa dami ba naman ng namamatay araw araw. Business na lang ang pagbuhay ng mga patay. Cool!

Isingit ko lang, wala tong kinalaman sa pagbubuhay ni Jesus ng patay. Kausap ko nung isang araw yung isang pinakamalapit kong barkada itago na lang natin siya sa pangalang Gilbert. Habang nag uusap kami eh naitanong niya kung ano ba ang hinahanap ko sa isang babae. Sabi ko eh yung God fearing. Sagot agad niya sa akin, "God fearing? Bakit naman?God fearing ayaw ko ng ganon, si God is a friend dapat hindi ka natatakot sa kanya." 

Medyo napa agree ako sa kanya. Sabi ko "Oo nga noh, galing mo brad! Hindi pala maganda yung God fearing, mas maganda yung friend of God." Kanina lang eh bumalik sa isip ko yung sinabi niya na God should be a friend at hindi ka dapat takot sa kanya. Parang may mali kase pero parang ang ganda pakinggan nung sinabi niya.

Ito na ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko pa nasabi sa kanya ito at di niya alam na di pa ako naka move on sa sinabi niya, pero pag nabasa niya ito malalaman niya na rin ang nasa isip ko. Haha! Okay sa palagay ko God fearing pa rin ang tama. I think fear of God will make us run away from sin. When we run away from sin, we then run to the arms of God. Parang two way direction isang tamang landas at isang mali. Kung may takot tayo sa Diyos hindi tayo pupunta sa maling daan, so pag nasa tamang daan tayo, papunta kay Jesus yun! Isa pa tama naman na God is a friend, pero mas gusto ko yung Daughter of God. Mas magandang connection yun, kadugo!

Okay dahil malapit na ang araw ng mga patay. Balik na tayo sa mga deads. JESUS IS ASTIG! HE NEVER ATTENDED A FUNERAL BECAUSE HE CAN RAISE THE DEAD! Kung may sakit ka man ngayon brad, pray and believe to God that he can heal you. Kung kaya niya ngang bumuhay ng patay yan pa kayang sipon, oy sipon lang pala yan!

Saturday, October 12, 2013

Ano po?

Kung makakausap ko lang si Jesus ng one on one. Gusto ko yung parang normal na usapan lang habang nag iinuman  kakape. Yung parang ikaw at ako lang pag nag uusap. Casual.

Kaso alam kong malabo. Mahirap makapag salita ng tuwid dahil sa palagay ko, marinig ko lang siya, maiiyak na ako sa galak. In Psychology when somebody claim that he hear the voice of God, he will be called mentally ill or worst  he will be referred to as psychotic. In reality, you can actually hear his soft voice. Don't get me wrong I am not psychotic, base on experience lang.

Kung makakausap ko lang si Jesus ng tuwid, may mga bagay na gusto akong itanong sa kanya.

Una. "Uso na po ba ang pag gygym nung panahon mo?"
Kung uso na po, saan ka nag gygym? Sa Fitness First, Gold's gym, Jerusalem Fitness, Body Builder's Gym o  hindi ka nag gygym sa hectic sched mo? Baka talagang blessed ka lang ni Father God kaya ka binigyan ng 6 packs abs, borderline 8 packs pa nga eh! Sabagay hindi uso ang tsekot noon kaya lakad to the maxx ang ginagawa mo papunta sa mga misyon mo kaya ka siguro fit. Mabuti na lang at fitness buff kayo noh? Isipin mo kung kasing laki ng tiyan mo ang tiyan ni pareng Buds (Buddha), tapos naka pako kayo sa krus ng paganyan. Baka maging comedy ang arrive, baka hindi ako makapag pray ng masinsinan niyan ano po?

Pangalawa. "Kung nasa heaven na ako, paano po ako kakain? Kakain pa rin ba ako don?
Kung kakain pa ako doon paano ang food distribution? Sabi niyo nasa mansion kame titira, so talagang parang big event ang breakfast, lunch, dinner at snacks in between. I assume hindi di food stub at hindi di linya ang food distribution, walang suffering sa heaven di ba po?

Pangatlo: Anong shampoo ang gamit niyo?
Wala lang ang cool kase ng buhok niyo, sakto lang yung pag ka wavy ano po?

Sige po! Got to go. Pasok na muna ako. Sunod ko na lang ibang tanong.

May mga tanong ka rin ba kay Jesus? Try to seek him heartedly. Sasagot yun! Promise niya sa Jeremiah 33:3 eh  ‘Call to me and I will answer you and tell you great and unsearchable things you do not know.’