Thursday, November 29, 2012

Labo!

"Mainit ata ang ulo ni dok ngayong umaga."  Iyan ang narinig ko doon sa isang pasyente habang naka duty ako. Paano ba naman hindi iinit ang ulo niya? ganto kase yun. . . . .

Umaagang umaga, may isang matandang pasyente na naka wheelchair na nasa edad na 65 years na. Kasama niyang pumunta sa ospital ang asawa nitong nasa ganong edad na rin at ang anak nilang babae na may tulak tulak sa kanyang amang naka wheelchair.

May tumutulong dugo sa ulo ni tatay. Dahil sa assist ako, pinunasan ko.

Doktor: Anong nararamdaman mo tay? (Sabay tahi)
Pasyente: (Walang reaksyon)
Anak: Na stroke siya dok, hindi makapag salita tapos nahulog kanina sa kama.
Doktor: May history ba ng altapresyon? (Tahi uli)
Anak: Si nanay highblood.
Nanay: Oo dok ako mataas dugo ko at laging nahihilo.

Doktor: TEKA! TEKA!Ang gulo niyo! SINO BA ANG PASYENTE??? Ang tinatanong ko si tatay! Di ba si tatay ang dinala niyo dito?

Napatingin ako kay dok nung biglang pinag sisigawan niya si nanay at si anak. Ganyan talaga sa mga pampublikong ospital dito kung hindi si nars ang galit si dok. Malamang dahil sa baba ng sahod, hirap ng trabaho at dami nang pasyente kaya nag uuminit ang ulo nila sa maliliit na pagkakamali ng mga pasyente.

Hindi ganyan si Jesus Christ! Si Jesus sobrang maintindihin. Kahit nga dalawang kupunan pa ng basketball team ang nag darasal para manalo eh lahat kaya niyang pakinggan ng sabay sabay. Kahit yung napapa-owmaygad kapag hindi nakaka shoot yung star player, naririnig niya. Paano kung may kasabay pang laro sa kabilang kanto, edi nag darasal din yun kasabay nung mga napapa-owmygad na nasa kabilang kanto. Eh pano naman si Jesus namimili kung  sino ang dapat manalo? Si Jesus na ang nakaka alam nun. Haha! Pero sa tingin ko eh kung sino ang mas malaki ang faith sa kanya, o kaya kung sino ang talagang nag handa sa laro ang mananalo.

Labo!! napunta sa basketball usapan. Hahaha!! Anyhow, inihaw magdasal lang tayo palagi dahil kahit sabay sabay pa tayong madasal eh lahat yan kaya niyang pakinggan ng sabay sabay!

JESUS IS ASTIG!

Do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known 
to God. And the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus.
-Philippians 4:6-7

Monday, November 26, 2012

Dear Papa Jesus

Pasensiya na po ikaw kagabi kung napabilis yung prayer ko, antok na antok na po kase talaga ako. Pero nagpaalam naman po ako di ba? sabi ko "Papa Jesus sorry po antok na ako, yung prayer ko po yung prayer ko na lang din ulit kagabi. Amen." Sorry po, pramis po hindi na mauulit yang ganyang panalangin. Hindi naman po siguro kayo nagalit sakin. Patawad po. Tenkyu! :)

Naisip ko lang po, tumatawa din po ba kayo? Kase po yung mga napapanood ko tungkol sa buhay niyo eh hindi ko po nakikitang tumatawa kayo, as in tawang HAHAHAHAHAHAHA!!!! all caps labas ngala-ngala. Napapanood ko lang po na ngumingiti kayo, laging nangangaral, seryoso, laging nananalangin at tumatangis. Pag binabasa ko naman po ang Bible ganun din po, sobrang napaka talinghaga niyo mag salita, parang hindi po kayo tumatawa. Pero sabagay, alangan naman isulat ni pareng Matthew sa Bible, kapitulo sisenta na, "And Jesus laughed Hahaha!."  

Dahil po sa gustong gusto po kita makilala ng lubusan, tinanong ko yung Pastor namin kung tumatawa din po kayo. Naliwanagan naman po ako sa sinabi niya, tama naman siya, created nyo nga pala kami sa inyong image, kung ano kami ganon ka din except hindi ka nag kakasala. At siguro kung sobrang seryoso niyo nung nandito pa kayo sa lupa, wala sigurong nag follow at sumama sa inyo. Kung ako man po si pareng Pedro tapos bugnutin kayo at pala-sita ng kasalanan ko eh baka isang araw pa lang, nag alsabalutan na ko. Sino ba naman ang gustong may boss na bugnutin?

At saka nga po pala, i-guide nyo po ako sa bagong blog ko ah. Gusto ko po kayo na ang maghari sa buhay ko. Gusto ko po makilala kayo ng lubusan at maibahagi ko din sa iba ang pagmamahal mo. Salamat po dahil tulad ng kwento ng "The Prodigal Son" eh natagpuan niyo din po ulit ako. Saka na lang po ang pakatay nyo ng matabang baboy o matabang baka para sa piyestang kainan natin diyan sa heaven, at yung sasalubong na banda wag naman po gangnam style ang tugtog ah, sakit na po sa tenga paulit ulit na, kahit sang sulok ng daigdig ako magpunta gangnam ang tugtugan e.

 Pasensya na po kung makulit ako minsan, pero alam ko naman po na labs na labs niyo ako eh. Dahil sa dami ng kasalanan ko dati eh siguro pag nag pepray ako dati sinasabi mo "Hay nako po nandito na naman tong bata na to, nakukulili na ako! pray ng pray di naman ako sinusunod sa mga sinasabi ko."  Paano mo nga naman ako pag bibigyan kung di naman kita sinusunod? This time po, susunod na talaga ako. Lastly, salamat dahil sa labs na labs nyo ako eh binigay nyo po ang pinaka-precious nyong anak na si Papa Jesus para tubusin ako sa aking mga kasalanan. Salamat po dahil binago niyo na po ako at heto ex-alipin ng kasalanan na po ako at ex-nilalang na paikot-ikot lang sa planet earth. Mas lalong naging payapa at lalong lumiwanag ang buhay ko mas maliwanag pa sa sinabi ng meralco na "May liwanag ang buhay". Aylabyu po Papa Jesus. :)

Love,
Bagong Pablong Pabling

Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come. - 2 Corinthians 5:17