Monday, November 26, 2012

Dear Papa Jesus

Pasensiya na po ikaw kagabi kung napabilis yung prayer ko, antok na antok na po kase talaga ako. Pero nagpaalam naman po ako di ba? sabi ko "Papa Jesus sorry po antok na ako, yung prayer ko po yung prayer ko na lang din ulit kagabi. Amen." Sorry po, pramis po hindi na mauulit yang ganyang panalangin. Hindi naman po siguro kayo nagalit sakin. Patawad po. Tenkyu! :)

Naisip ko lang po, tumatawa din po ba kayo? Kase po yung mga napapanood ko tungkol sa buhay niyo eh hindi ko po nakikitang tumatawa kayo, as in tawang HAHAHAHAHAHAHA!!!! all caps labas ngala-ngala. Napapanood ko lang po na ngumingiti kayo, laging nangangaral, seryoso, laging nananalangin at tumatangis. Pag binabasa ko naman po ang Bible ganun din po, sobrang napaka talinghaga niyo mag salita, parang hindi po kayo tumatawa. Pero sabagay, alangan naman isulat ni pareng Matthew sa Bible, kapitulo sisenta na, "And Jesus laughed Hahaha!."  

Dahil po sa gustong gusto po kita makilala ng lubusan, tinanong ko yung Pastor namin kung tumatawa din po kayo. Naliwanagan naman po ako sa sinabi niya, tama naman siya, created nyo nga pala kami sa inyong image, kung ano kami ganon ka din except hindi ka nag kakasala. At siguro kung sobrang seryoso niyo nung nandito pa kayo sa lupa, wala sigurong nag follow at sumama sa inyo. Kung ako man po si pareng Pedro tapos bugnutin kayo at pala-sita ng kasalanan ko eh baka isang araw pa lang, nag alsabalutan na ko. Sino ba naman ang gustong may boss na bugnutin?

At saka nga po pala, i-guide nyo po ako sa bagong blog ko ah. Gusto ko po kayo na ang maghari sa buhay ko. Gusto ko po makilala kayo ng lubusan at maibahagi ko din sa iba ang pagmamahal mo. Salamat po dahil tulad ng kwento ng "The Prodigal Son" eh natagpuan niyo din po ulit ako. Saka na lang po ang pakatay nyo ng matabang baboy o matabang baka para sa piyestang kainan natin diyan sa heaven, at yung sasalubong na banda wag naman po gangnam style ang tugtog ah, sakit na po sa tenga paulit ulit na, kahit sang sulok ng daigdig ako magpunta gangnam ang tugtugan e.

 Pasensya na po kung makulit ako minsan, pero alam ko naman po na labs na labs niyo ako eh. Dahil sa dami ng kasalanan ko dati eh siguro pag nag pepray ako dati sinasabi mo "Hay nako po nandito na naman tong bata na to, nakukulili na ako! pray ng pray di naman ako sinusunod sa mga sinasabi ko."  Paano mo nga naman ako pag bibigyan kung di naman kita sinusunod? This time po, susunod na talaga ako. Lastly, salamat dahil sa labs na labs nyo ako eh binigay nyo po ang pinaka-precious nyong anak na si Papa Jesus para tubusin ako sa aking mga kasalanan. Salamat po dahil binago niyo na po ako at heto ex-alipin ng kasalanan na po ako at ex-nilalang na paikot-ikot lang sa planet earth. Mas lalong naging payapa at lalong lumiwanag ang buhay ko mas maliwanag pa sa sinabi ng meralco na "May liwanag ang buhay". Aylabyu po Papa Jesus. :)

Love,
Bagong Pablong Pabling

Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come. - 2 Corinthians 5:17

16 comments:

  1. Hello Paps! Nakakatuwa ang letter mo.. Akala ko magiging super serious ka na e, buti na keep naman ang pagiging humorous mo sa mga posts.. The change is good so I'm supporting you in this new blog! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you joanne. Oo naman, ang pagiging masayahin hindi naman dapat baguhin.

      Salamat Joanne. God bless you! :)

      Delete
  2. wow naman...nakakabless naman 'tong bago mong blog...

    sana ako din...in time..alam naman ni Lord yun...nasa battle field ako now...pero i know He's always there waiting for me...

    naiiyak ako ng tunay....

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey iya-khin salamat sa pag bisita mo dito. iiyak mo lang kay Lord yang battle na yan,

      So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand. - Isaiah 41:10

      Delete
  3. good job ark!! cguradong gagabayan ka dito ni God.

    ReplyDelete
  4. galing! natutuwa ako habang binabasa ko ito... may humor pero may kurot sa puso...

    kahit di kita gaanong kilala natutuwa ako sa napili mo... maganda talaga kapag tinaggap natin si God...

    Goodluck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat JonDmur sa pag bisita dito. Tama, the best ang buhay kapag may Diyos tayo. God bless you bro!

      Delete
  5. ;-) bakit po prodigal son? ano po nangyari? tanong lang po. pwede din di sagutin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Luke 15:11-32

      Yan ang kwento ng prodigal son. Sabi ko nga I was lost but now I am found. Sobrang sarap ng pakiramdam phioxeeee... God bless you!

      Delete
  6. ANG ALIBUGHANG ANAK! Paps, good to see na naglipat ka ulit dito sa Blogger. Astig! May punto ka sa "paano nga naman tayo pagbibigyan ni Papa Jesus kung hindi tayo sumusunod sa kanya?" Parang humihingi ng pabor sa ating mga magulang pero suwail naman tayo. Pray ng pray ika nga. Pero walang kasing bait parin ang ating Panginoon, di ba? :)) At sigurado hindi siya nagalit sa iyo sa mabilis mong prayer :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama sobrang mapagmahal ng Diyos kaya maiintindihan na niya yun.... =) salamat anthony! God bless you!

      Delete
  7. wow. so lipat ka na dito? e subscriber mo ko eh! buti nalang you provided the link!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ester sa patuloy na pag subaybay! congrats sa kakapasa ng exam. God bless you!

      Delete
  8. ayos ang bagong tambayan Paps! napaka positibo. Mapapadalas bisita ko dito!

    Naniniwala rin ako na tulad natin tumatawa rin Siya, malay natin pag nakasama na natin Siya kasabay natin Siya tunawa (ang sarap siguro sa pakiramdam noon)

    God Bless you!

    ReplyDelete
  9. paps .. Parang mas feel ko tong bagong blog mo .

    hahaha .. Godbless you :)

    Ang kulit ng letter. Ganyan din ako makipag-usap kay Lord .

    ReplyDelete