Saturday, December 29, 2012

My 2012 Highlights

Bago paputukin ng kapitbahay yung paputok niyang Goodbye China. I like to share my top 8 yeheys and 4 boos this 2012. Dapat mas madami talaga ang yeheys, kase its better to count your blessings kesa count ng bad things. :)

Yehesssssss!!!

. . . . . . I learned to have a quiet time with the Lord. I do it every night before I go to bed. I thought reading the Bible is boring and will make me sleep. But God changed my perception about reading the Bible. This year nagkaroon ako ng hunger to know more about him at sobrang sarap ng pakiramdam nang nag quiet time ka kay Lord. I feel stronger everyday brad!

. . . . .The impossible happened. I will not share this to you in detail because this is very personal. Jesus again proved to me his existence. I truly believed in what He said, that whatever you ask in prayer, BELIEVE that you have received it, and it will be yours. (Mark 11:24) Sobrang amazed talaga ako kay God kase yung 3 major prayers ko kay Lord, isa isa niyang binigay bago matapos ang taon. :)

. . . . . Last year in college. Finally last sem ko na ngayon in Nursing. :) But probably will not be the last year in school. If it is God's will mag continue ako ng medicine, as a heart surgeon. Bahala na po kayo Lord! Many are the plans in man's heart, but it is the Lord's purpose that prevails. - Proverbs 19:21. Revealing din to kase out of 350+ Course Audit 1 takers kasama ako sa 92 students na passed agad. Ganyan din mangyayari sa state boards ko. By faith! Haha! :)

. . . . .I met a lot of cool new people and friends this year. Kung wala tong mga taong to siguro loner pa rin ako at bored na bored sa buhay at sa bahay. :) Thank you to my new classmates in Arellano University Manila &  brothers in Victory Christian Fellowship Caloocan. You guys are a blessing to me. :)

. . . . .I was able to reach out & minister to people. This year lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob to share God's word to people. It took me years before I was able to share the gospel. One thing I realized this year is that my God is too wonderful and too beautiful to be kept a secret. Ayoko naman na ako lang ang na bebless ni God, I want them to also experience the same. Na amaze nga talaga ako when they really listen to the word & ask for prayers. Also this year madami akong nadala sa church na malapit sa school (Victory U-belt). God is really good!

. . . . Not yet the end of the world. So the Mayans said, "You're telling me amalayer? amalayer?" Buti na lang I am Christian not Mayans. Sinabi naman na nga ni God na walang makaka alam kung kelan siya babalik to judge the world, siya lang ang nakaka alam! :) (Matthew 24:36). More time to spend with my loved ones and yehessss makakapag pamilya pa ako. Hahaha!

. . . . . Manny Pacquiao is for me a champion pa rin.  He lost 2 fights this year pero winner pa din siya saken kase he finally found the Lord. Sobrang dinadakila niya talaga ang faithfulness ni God sa buhay niya at di lang yun preacher pa siya. :)

. . . . . Jesus-is-astig.blogspot.com was born.  I'll be writing more about JESUS now and no more ka-blogs-tugan. I had too many messages not to delete the site. So I guess I wont. May mga magaganda rin naman akong nasulat don. This coming year its not about me it's about HIM.

Booooooo!!!


. . . . Habagat & Bagyong Pablo. Many of our kababayans lost their kapamilya, bahay at hanap-buhay because of the typhoon and monsoon. Let us still continue to pray for them.

. . . . .One of my best buddy lost his faith to God.  After my Our Lady of Fatima University days bago ako lumipat sa Arellano, kasama ko siya sa bahay malapit sa Fatima then akala ko okay pa siya with his religion (Catholic), which he actually served as a sakristan. Then later this year, nasa Arellano na ko, I found out na agnostic or heretics na pala siya. Sobrang nalungkot ako doon kase hindi ko man lang siya nagabayan. Sobrang kulang pa siguro yung pag iinvite ko sa kanya. But I believe in prayers, ma- oopen din ulit ang mata niya sa katotohanan. :)

. . . . . My first 2.75 school grade in a major subject. Hindi bumababa sa 2.0 ang grade ko eh. Kung meron man mababa may dalawa o tatlong minor subject na, na 2.25. Parang nanghuhula lang kase ng grade yun eh, mas mataas pa grade nung mga hindi pumapasok. :) Anyway ayos lang yun!

. . . . . I was loveless but not happyless ah. :) Boooo to broken hearts. Wala na wala na talaga! Hahaha! Pero ayos lang, madami akong nagawa this year for the Lord :)

- - - -

So I guess thats it! Nakatulog na ata kayo. Anyway, excited na ako for the 2013. .Lalo na ngayon na may Jesus na ako. Kaya JESUS WILL BE MORE ASTIG to me IN 2013 because mag papa ulan na naman siya ng pagpapala. :)
HAPPY NEW YEAR MGA BRAD!
God bless us all! :)

Wednesday, December 26, 2012

Astig talaga ang Star ng Pasko

Kung gaano kasarap ang Crema De Pruta sa bibig habang unti-unti itong natutunaw, ganon din kasarap sabihin kung gaano kasaya ang pag diriwang ng pasko. Imagine kung hindi pinanganak si Jesus Christ. No Christmas season, we don't have anything to look forward to every year, no holidays, no giving of gifts, no bonding with the family, no Christmas carols, no joy to the world, no savior! Nothing but total darkness, puro kasamaan all over the world, no peace, no harmony, puro kasalanan nagkalat sa tabi-tabi, puro nakawan, barilan, patayan. Darkness!

Buti na lang pinanganak siya, to give light to the world, to bring joy to humanity, to give hope and to bring PEACE! (Yeahh!!!) Peace talaga ang meron ka kapag si Jesus ang nasa puso mo. Sabi nga ng kaibigan ko sa akin, "Mag chuchurch ka na naman? Adik ka na diyan brad!". It's not the church that I'm addicted to, I'm addicted with Jesus! I want to know more about Him. Mas okay na mag adik kay Jesus kesa mag adik adik sa kung saan saang bagay brad! Hindi ka pa mapapasama.

Nitong taon ko lang talaga naunawaan kung bakit pinagdiriwang ang pasko. Kung bakit masarap at masayang mag celebrate ng pasko. Napag isip isip ko na ang pasko ay hindi tungkol sa kung anong matatanggap mong regalo, hindi sa pagkain na naka handa sa hapag kainan at lalong hindi tungkol sa lalaking mataba, na walang shaver, naka suot ng pula at hila ng mga usa. If Jesus wasn't born, there is no Christmas day. Thank God He gave his precious son to save us. Dumating siya sa mundo para sa akin, para sa atin! Kaya masarap ng mag celebrate ng pasko dahil sa kanya, pinatawad niya ako sa mga kasalanan ko at binigyan niya ako ng kapayapaan at buhay na walang hanggan.

This year my Christmas have become merrier since I stopped making it about me. It's about Jesus. Sabi nga sa kanta "Ang nag sindi nitong ilaw, walang iba kundi IKAW! Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko!"  Jesus is Astig because He is the Star ng Pasko!

Friday, December 21, 2012

Simbang Gabi

Hindi ko naranasan sa talambuhay ko ang mag simbang tabi gabi. Dahil siguro akala ko gabi talaga ang simbang gabi pero madaling araw pala talaga. Niyaya ako ng isang barkada ko na mag simbang gabi, masaya daw yun at kapag nakumpleto mo ang 9 days na simbang gabi ay matutupad daw ang wish mo kay Jesus.

Bago pa man ako sumagot, may naalala siya bigla, "Ay hindi ka nga pala katoliko wala kayong simbang gabi."  Tinanong ko siya, ano ba ang simbang gabi? bakit ka nag sisimbang gabi?. Sumagot siya, sabi niya, "Tradisyon na kase yan tuwing pasko at kapag nakumpleto mo ang simbang gabi, matutupad ang wish mo kay Jesus."
Napa-"ah ganun ba" na lang ako dahil ayoko lang talaga basagin ang trip niya. Kanya kanyang trip yan brad, pero sana yung trip mo eh yung totoo, yung sigurado. Kaya share ko na lang dito ang nasa isip ko. May dalawa akong naisip patungkol sa sinabi nya.

1. Si Jesus ay hindi genie para ako ay mag wish. I pray.
2. Hindi ko na kailangan mapuyat at gumising ng mas maaga pa sa manok para mag simba ng 9 days straight para pakinggan ni Jesus ang prayer ko, dahil proven ko na, na kapag nag believe tayo na ibibigay niya ang prayers ko, ibibigay niya!

"Therefore I tell you, whatever you ask in prayer, believe that you have received it, and it will be yours". Mark 11:24


And whatever you ask in prayer, you will receive, if you have faith.” 
Mark 21:22


"Do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. And the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus." - Philippians 4:6-7


Kaya sa mga hindi nakapag simbang gabi dahil tinamad, nakatulog at talagang hindi nag balak. Pray na lang tayo mas effective pa!

Saturday, December 15, 2012

What's your flavor?

Malalaman ng isang nag bebenta ng Cobra energy drink kung ano ang estado at pinagkaka abalahan mo sa buhay. Kung ang Cobra mo ay.......

Cobra Green- Estudyante ka.
Cobra Yellow- Construction Worker / Trabahador.
Cobra Red- Office work lang, sedentary ang lifestyle. Sa kakaupo, lumalaki ang tiyan kaya nag papa-fit.
Cobra White- Nag papa puti. Wala pa naman niyang Cobra white, nag susuggest lang pampaputi naman oh!

Tinigil ko na ang pag inom nito (isang linggo na!) sa kadahilanang hindi na ako kuntento sa isang araw na hindi umiinom nito. Addiction?. Antuking bata kase ako, mahanginan lang ang mga mata ko eh mapapatulog ako. Kaya bilang pag iwas sa pagtulog sa classroom, sa church, sa LRT, sa dyip at sa gilid o gitna ng kalsada eh umiinom ako nito tuwing umaga, as in araw-araw. Pagmulat ng mata, Cobra! tipong ganun. Lately ko lang napag muni munihan na nakakasama na ito sa aking katawan. Mas maganda pa rin talaga na kumpleto ang 8 hrs of sleep para hindi aantukin the next day.

Proverbs 20:1 “Wine is a mocker, strong drink is raging: and whosoever is deceived thereby is not wise.”

Ang pananampalataya at paniniwala sa Diyos ay parang Cobra, kung meron ka nito, wala kang talo! Victorious ka lagi! 


Monday, December 10, 2012

NINONG PACMAN

Nakakalokong isipin na may mga tao na sinasali ang relihiyon sa pagkakatalo ni Ninong Manny Pacquiao (Lakas maka ninong naks!). Kesyo hindi daw nag sign of the cross, hindi suot ang rosary at hindi daw nag pa misa bago ang laban. Alam nating lahat na si Ninong Manny Pacquiao ay isa nang born again christian at di lang yun preacher pa! Kaya may iba na siyang paniniwala at hindi yan ang gusto kong pag usapan natin ngayon. :)

"Can a favored, righteous person hold on to their faith in God when things go wrong?" May nabasa ako sa status ng kaibigan sa facebook na, hindi na daw siya mag babasa ng Bible dahil hindi raw talaga pinapakinggan ng Diyos yung mga panalangin niya. Kita mo daw si Pacman, simula nung nag christian eh hindi na daw nananalo sa laban. Napa hala ako dun! Babaw naman brad!

Tatlo ang pumasok sa isip ko sa mga naririnig ko patungkol sa pagkatalo ni pacman at sa pagiging kristyano niya. Oo brad mahirap isipin na kung kelan mas nakilala ni Pacman ang Diyos eh tsaka naman siya hindi nananalo sa mga laban niya. Ito ang ilan sa mga naisip ko.

Una. Naalala ko ang kwento ni Job. Sa mga hindi nakaka alam si Job ay sobrang masunurin sa Diyos. Sa sobrang righteous person niya ginustong subukan ni satan ang faith niya kung hanggang kelan siya tatagal sa pagsunod sa Diyos. Nawala lahat ng ari-arian niya, nawala ang asawa at mga anak niya, nagkasakit siya,  nawala lahat lahat sa kanya pero sa huli, nandun pa rin ang faith niya kay God. Kaya nung tapos na ang pagsubok kay Job at nanatili ang faith niya, ibinalik ni God ang lahat lahat ng nawala kay Job at mas higit, mas marami pa sa kung ano ang meron pa sa kanya dati. (Book of Job)

I pray na ganun din ang mangyari kay Pacman, hindi sana siya mag give up sa faith niya kay God sa kabila ng mga kabiguan niya. At sana tayo rin mga brad kung meron man tayong mga kabiguan ngayon, pagsubok lang sa atin yan. Huwag sana mawala ang faith natin sa kanya at mas lalong lumaki dapat ang faith natin sa panahon na sinusubok tayo. Mas masarap kaya humarap sa pagsubok na alam natin na kasama natin si God.

Pangalawa. Lahat ng bagay sa mundo ay temporary. Mawawala din lahat ng yan pag nawala na tayo sa mundo. Hinahayaan rin ng Diyos na minsan ay nadadapa tayo dahil may itinuturo siya sa atin. Either kaya tayo nadapa ay para matuto sa ating pagkakamali para maging mas mahusay pa o nadapa dahil hindi ito ang will ni God para sa atin.

Many are the plans in a man's heart, but it is the LORD's purpose that prevails. -Proverbs 19:21

Pangatlo. Sa aking palagay, dahil anak ng Diyos si Ninong Pacman ayaw niyang nagiging instrumento ang kanyang anak para sa ipagkakasala ng mga tao. Alam natin na masama ang pumusta- kaya tayo pumupusta ay dahil gusto natin magkapera. Hindi gusto ni God na ang mas mahal natin ay ang pera. Baka ang sinasamba na natin ay ang pera at hindi na siya. Baka sobrang nag papa alipin na tayo?

For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs. 1 Timothy 6:10



 - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


JESUS IS ASTIG BECAUSE HE IS THE LORD AND SAVIOR OF MANNY PACQUIAO! 

Tuesday, December 4, 2012

TRAPIK BA?

Lagi na lang bang trapik? Ito ang ilan sa mga naisip kong paraan kung paano maiiwasan ang traffic sa Metro Manila. (Please click on the photo to enlarge)






Marami sa mundo na pwede nating kainisan, tulad na lamang ng traffic. At kahit anong effort ng tao para solusyunan ito hindi ito basta basta mawawala. People will always have their limitations. Kung asar na asar ka na sa araw mo, kung lahat ng drayber at taong nakahambalang sa iyong daan ay kinagagalitan at pinag mumumura mo, relaks ka lang brader! Baka God is teaching you to be patient, to love other people and to manage your time properly. Kaya yan!

But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control. Against such things there is no law. Those who belong to Christ Jesus have crucified the sinful nature with its passions and desires. Since we live by the Spirit, let us keep in step with the Spirit. Let us not become conceited, provoking and envying each other.
- Galatians 5:22-26

And because
JESUS is ASTIG! He was taken up into heaven without using human jet pack, elesi, superhero cape or by teleporting. ASTIG! - Acts 1:1-10