Saturday, December 15, 2012

What's your flavor?

Malalaman ng isang nag bebenta ng Cobra energy drink kung ano ang estado at pinagkaka abalahan mo sa buhay. Kung ang Cobra mo ay.......

Cobra Green- Estudyante ka.
Cobra Yellow- Construction Worker / Trabahador.
Cobra Red- Office work lang, sedentary ang lifestyle. Sa kakaupo, lumalaki ang tiyan kaya nag papa-fit.
Cobra White- Nag papa puti. Wala pa naman niyang Cobra white, nag susuggest lang pampaputi naman oh!

Tinigil ko na ang pag inom nito (isang linggo na!) sa kadahilanang hindi na ako kuntento sa isang araw na hindi umiinom nito. Addiction?. Antuking bata kase ako, mahanginan lang ang mga mata ko eh mapapatulog ako. Kaya bilang pag iwas sa pagtulog sa classroom, sa church, sa LRT, sa dyip at sa gilid o gitna ng kalsada eh umiinom ako nito tuwing umaga, as in araw-araw. Pagmulat ng mata, Cobra! tipong ganun. Lately ko lang napag muni munihan na nakakasama na ito sa aking katawan. Mas maganda pa rin talaga na kumpleto ang 8 hrs of sleep para hindi aantukin the next day.

Proverbs 20:1 “Wine is a mocker, strong drink is raging: and whosoever is deceived thereby is not wise.”

Ang pananampalataya at paniniwala sa Diyos ay parang Cobra, kung meron ka nito, wala kang talo! Victorious ka lagi! 


8 comments:

  1. tama ka diyan... mas maganda talaga pag tama ang tulog...

    minsan tea o kape ang panlaban ko sa antok hehehe...

    Ung Cobra minsan ko lang nasubukan...

    ReplyDelete
  2. Tinigalan ko na rin ang paginom ng energy drink, lalo na tuwing may exam---pero ewan ko iba ang epekto sa akin kapag nagrereview gising ako at kapag exam na medyo ayun inaantok na ako.

    Doon ako sa totoong Cobra! Na kung meron ako wala akong talo.

    ReplyDelete
  3. Napatanong din ako sa sarili ko kung may white na Cobra nga kasi nalagok ko na lahat iyan :D Ewan, parang meron sa inumin na yan na nakaka-hyper. Nakakatakot ang epekto kaya binawas bawasan ko na rin.

    ReplyDelete
  4. tama, pag sobra nakakasama. Ako naman imbes na cobra, coke or any softdrinks. Pero umiiwas na ako. Nagtratry na ako ng tubig at juice ganyan.

    ReplyDelete