Saturday, January 11, 2014

Selfie~

Selfie named word of the year for 2013. According to Oxford Dictionary selfie means a photograph that one has taken of oneself, typically with a smartphone or webcam and uploaded to a social media website. Sino na sa inyo dito ang hindi pa nakapag selfie kahit isang beses sa buhay niya? You are astig man! Ikaw na!
Ibig sabihin non, Either talagang may taga kuha ka lang ng picture or wala kang social media website. Which is good, minsan naiisip ko na talagang sayang lang ang oras sa facebook, instagram, snapchat etc. Ano kaya ginagawa nung mga tao noon nung walang pang mga ganito? Mas marami sila sigurong na accomplish sa buhay.

Anyhow, inihaw balik tayo sa selfie. Meron din palang different levels ang pag seselfie. Tignan mo na lang itong babaeng ito click here . Yan ang talagang advance level. Pro kung pro.

Ayos lang naman siguro ang pag seselfie. Marami naman akong kaibigan sa facebook at mismong ako ang nag seselfie paminsan minsan. Ayos lang naman yun. Huwag lang naman yung mga umiiyak iyak pa sa picture. Yung normal lang.

Everytime I hear the word selfie parating pumapasok sa isip ko ang salitang selfish. Hindi ko alam kung magkatunog lang o ano pero trip ko. O kaya baka naman dahil sa instead na you let other people take picture of you, you do it for yourself, ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang. Selfish man papicture ka naman! Lol korni. Mairelate lang, pagbigyan niyo na, blog ko naman ito. Thanks :)

Sa palagay ko lang hindi talaga maganda yung puro tayo na lang, yung puro ako, ako, ako. Kase pag ganyan ka, ikaw na talaga! :) Hindi mo mamamalayan, unti unti ng nauubos ang mga kaibigan mo. Puro ikaw na lang kase, ikaw na ang may magandang kwento, ikaw na ang mabango, ikaw na ang pogi, ikaw na ang matalino, ikaw na ang the best.  Ikaw na talaga! Wala ka nang ibang bagong taong nakilala, wala ka ng ibang nalaman na bagong kwento, wala ka ng mahanap na bagong makikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang.

Naalala ko nung bata ako, ganyan din ako. Gusto ko ako lagi ang may bagong laruan, akin lang ang laruan, akin lang ang hotdog, akin lang ang unan, akin lang ang sukli sa biniling suka etc. Basta akin lang lagi. Pag bata okay lang yan, pero pag gantong edad na hindi na!

Lumayo na ako sa topic ko! Tokwa. Antok na ako. Haha!

Do nothing from selfish ambition or conceit, but in humility count others more significant than yourselves.  Let each of you look not only to his own interests, but also to the interests of others. Philippians 2:3-4

No comments:

Post a Comment