Couple of weeks before valentine's day, a friend of mine asked me. "Pare paulit ulit na lang flowers, chocolates, cake, stuffed toy ang nireregalo ko sa girlfriend ko tuwing may okasyon. Ano kaya magandang ibigay sa Valentine's day para mabago naman?" I was in the "hala" for a couple of seconds there before responding "Ah eh malay ko, try mo kaya bigyan ng cash." Tumawa lang ang mokong.
Sa palagay ko kase yung mga nabanggit niyang gifts eh sureball mapapakilig ang isang babae. A man can never go wrong by giving chocolates, flowers, stuffed toys etc. Mas proud at mas taas noo maglakad sa gitna ng Edsa ang isang babaeng may dalang bouquet ng bulaklak, malaking teddy bear at chocolates kesa sa isang babaeng nakatanggap ng Valentine's Day card. Gusto kase ng mga babae nakikita silang may hawak na bulaklak etc. unless idikit ng babae ang greeting card sa noo niya para masabing may nagbigay sa kanya ng Valentine's Day card.
Anyhow, inihaw. Hindi ko alam kung ano pa ang ibang magandang ibigay. Siguro ano hmmmm lingerie? Romantic Getaway? Spa Day? I-car wash mo kotse niya? Pagluto mo siya ng kaldereta o kaya dinuguan? perfume kaya? gift cards? Ewan ko. Girlfriend mo yan eh! Depende sa hilig niya, hindi mo pwedeng bigyan ng karne ang vegetarian. Alam mo ang gusto niyan :)
Tumahimik na kami sa usapan at itinuloy ang pag kain.
Pauwi na ako ng bahay. . . . nag iisip pa rin ako ng bagay na pwedeng ibigay na pwedeng i cherish pang habang buhay. Ang bulaklak nalalanta, ang stuffed toys at jewelries na aalikabukan, ang chocolate at cake nakaka sira ng ngipin at nakaka diabetes , ang valentines day card nakakahiya idikit sa noo. So ano ba talaga ang pwedeng ibigay na magtatagal habang buhay?
Wala.
Lahat ng bagay na ito, maglalaho.
Para sa mga babae diyan, kung sino man ang magbibigay sa iyo ng mga bagay na ito. Pasalamatan niyo dahil sobrang pinag hirapan nila ang pagiisip kung paano kayo mapapaligaya. Huwag na mag hanap ng mas mahal, mas boom at mas garbo. Sapat na ang mga simpleng bagay bagay, ang importante ay naalala ka niya.
Kahit anong pagpapakita ng isang lalaki ng pag mamahal niya, iba pa rin talaga kung gaanong pagmamahal ang kayang ibigay ni God para sa atin. God allowed his son Jesus to die for you, for you to have eternal life. Eternal life brad ang ibinigay niya para sa atin, hindi ito naalikabukan, nalalanta, nakakasira ng ipin at lalong hindi dapat ikinahihiya.
Greater love has no one than this, that someone lay down his life for his friends.- John 15:3
But God shows his love for us in that while we were still sinners, Christ died for us - Romans 5:8
“For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life. - John 3:16