Tuesday, January 7, 2014

The Power of Focus

How's your New Years Eve guys? Sana wala namang naputukan sa inyo. Kung meron man eh sana konti lang. May na accomplish ba kayo last year? Sana naman eh hindi yung kung anong level na ng candy crush kayo naroroon. Anyhow, inihaw dapat para may ma accomplish tayo sa buhay eh dapat focus tayo sa ating mga ginagawa. Hindi yung may mission tayong dapat gawin pero walang ka focus focus. Kapag nawala kase ang focus hindi natin ma aaccomplish ang bagay na dapat nating gawin.

Kung meron man akong kilala na super focus sa buhay siempre si Jesus Christ yun. Paano ko nasabi? Kung hindi focus si Jesus sa misyon niya eh baka hindi niya tayo nailigtas sa ating mga kasalanan. Baka kung saan saan napadpad na sulok ng mundo si Jesus, imbes na maipako siya sa krus eh baka inagaw niya na lang ang trabaho ni John the Baptist na maglublob ng kung sino sinong nag si tangappan ng ebanghelyo. Baka naging manunulat na lang siya dahil sa dami ng matatalinhaga niyang pananalita, baka nag trabaho na lang siya bilang doktor na kayang magpagaling ng kahit anong karamdaman ng nakapikit. Buti na lang at naging focus siya sa totoong misyon niya.

 Sa mga napapanood ko na Jesus Christ film yung posture niya, yung attitude niya eh parang laging 100% focus. Ito halimbawa, naalala niyo ba yung kwento nung isang babae na 12 years ng dinudugo?(Matthew 9:18-26) Sabi niya kung mahawakan niya lang daw ang laylayan ng damit ni Jesus eh gagaling na siya.
Yun nga nahawakan niya lang yung damit ni Jesus gumaling siya, eto namang si Jesus sa sobrang pagka focus niya eh kahit damit niya lang nararamdaman niya, lumingon pa talaga at kinausap ang babae. Ibang klase ang mga senses up to the laylayan ng palda! Isa pang halimbawa nung may mga bulag na sumisigaw ng "Have mercy on us, Son of David!" (Matthew 9:27) eh narinig niya. Naka focus nga eh! Kung hindi siya naka focus dinaan daanan niya lang yung dalawang bulag na yun, di naman kase siya son of David kako. Lol.

This year I pray na maging focus ako sa mga dapat kong gawin sa buhay. Ito ang ilan sa mga tips kung paano tayo magiging focus.

1. Do one thing at once. Huwag sabay sabay brader. Kung sabay sabayin mo lahat yan, ni isa wala kang matatapos. Just work on getting just one thing done at a time and
you will see that you get this one thing done more quickly.

2. Avoid distractions. If you are working with something on the computer, don't chat with friends. Huwag mo na tignan sino ang online sa facebook at pwedeng makakwentuhan
matatapos ang oras mo na mas maraming pa kayong pinag kwentuhan kesa sa natapos sa trabaho o sa pag aaral mo. Isa pa sa example, kung may kailangan kang gawin like
mag hugas ng pinggan o mag luto, gawin mo na muna lahat yan bago ka humarap sa computer dahil iisipin mo lang ng iisipin na may dapat kang gawin so wala ka din
matatapos.

3. Make a to do list. Write down at list 3 things to get done that day, next day and next week. Then cross out mo kapag nagawa mo na ang bagay na yun and move on to the next, ma susurprise ka nagagawa mo lahat ng dapat mong gawin. And it makes you feel good about yourself kapag may natapos ka.

4. Pray & Meditate. 30 minutes of quiet time with the Lord help you focus more. Sa dami ng ating ginagawa sa araw araw, masarap pa rin talaga sa pakiramdam na
tahimik lang ang buhay, sa gitna ng katahimikan maiisip mo pa isa isa ang mga bagay na dapat mo talagang ginagawa.

Turning your ear to wisdom
    and applying your heart to understanding—
indeed, if you call out for insight
    and cry aloud for understanding,
and if you look for it as for silver
    and search for it as for hidden treasure,
then you will understand the fear of the Lord
    and find the knowledge of God. - Proverbs 2:2-5

Oh siya. Yan na lang muna. Stay focus peeps! :D

No comments:

Post a Comment