Wednesday, January 30, 2013

NGANGA?

Paano kung busyng busy ka gumawa ng kasalanan tapos nakita ka ni Jesus Christ tapos tinanong ka nito?

Why do you entertain evil thoughts in your hearts? - Matthew 9:4

Ano ang gagawin mo? (Choose the best answer)
a. Nganga
b. Iyak tapos nosebleed in 2 secs.
c. takbo palayo
d. Paki-ulit, choppy ka po. (Bingi-bingihan)
e. Hingi ng kapatawaran

Hindi ba't kapag humingi ng kapatawaran sa iyo ang isang tao, patatawarin mo rin naman? Pero pano kung humingi siya ng kapatawaran, tapos paulit ulit niya ring ginagawa yung hiningi niya ng kapatawaran? Patatawarin mo pa rin ba o tatambling ka na lang?

Kaya nga astig si Jesus kase siya, kahit paulit ulit pa tayong nagkakasala 101 % sure ball patatawarin niya tayo. Lamentations 3:22-23 says, Because of the Lord's great love we are not consumed, for his compassions NEVER FAIL. They are new every morning, great is your faithfulness. Pero hindi naman yan lisensiya para araw-araw paulit ulit nating gawin yung kasalanan na yan. Mahiya naman tayo brad.

Ano sagot brad? nganga na lang?

Letter E siempre! Pero dapat Hingi ng kapatawaran + talikuran na ang kung ano anong evil thoughts na yan

Monday, January 28, 2013

TAGYAWAT

Sa wakas nakapag sulat din! Medyo busy kase ako mga brad, pasensiya na graduating eh at sa wakas ng panahon, makakatapos na rin ako ng kolehiyo. Dahil sa graduating madaming mga requirements na dapat ipasa at madaming mga exams na kailangan ipasa. Kaya nga naman nag lalabasan ang mga ka-tagyawatan. Sabi nga nila hindi mo dapat ikahiya ang tagyawat dahil pinagpuyatan mo yan. May tama nga naman sila.

Habang sinusulat ko ito, may dalawa akong tagyawat na nangangati. Isa sa pisngi at isa sa ilong (badtrip). Hindi ako tagyawating bata, paminsan minsan lang, kapag kulang sa tulog at na-iistress. Sa loob ng isang taon, siguro may pitong tagyawat lang ako buong taon. Kaya ang ibig sabihin pitong araw lang ako sa isang taon kulang sa tulog at na-stress? Hindi naman siguro.

Hindi rin ako naniniwala na ang pagkain ng tsokolate ay nakakapag dulot ng tagyawat. Kawawa naman mga brad ang mga taong tagyawatin, madami na ngang tigidig at tagyawat pag babawalan mo pa kumain ng tsokolate. Hangsarap pa naman nito habang unti unting natutunaw sa iyong bibig. At ang tsokolate pa naman ang isa sa pinakamasarap na nilikha ni Father God tapos pag babawalan mo pa sa mga tagyawating bata. Kawawa naman sila. Isipin mo, umuulan, malungkot sila, nakatingin sa kapatid na kumakain ng limpak limpak na chocolate tapos sila umiiyak habang nagtitiris ng tagyawat. Saklap di ba brad?

At kung bawal ang chocolate sa mga tagyawatin. Ibig sabihin pag nanligaw ang isang lalaki sa isang babaeng tagyawatin, wala siyang karapatan magbigay ng chocolate, puro bulaklak at teddy bear lang dapat. Mangangayayat sa kakangata ng bulaklak at teddy bear ang babaeng yan brad! Walang kasusta-sustansiya naman. Malnourished brad! Wala ka sweet-sweet!

Dito sa Pinas normal lang ang tagyawat pero nabalitaan niyo ba yung taga states na nagpakamatay dahil lamang sa tagyawat? Hindi ko din nabalitaan yun pero nakwento lang ng titser ko nung nag lelecture siya. Gullible ako kaya siempre shinare ko din agad sa inyo. Ang masasabi ko lang brad, God loves us kahit ano pa tayo, kahit parang ang mukha natin ay tagyawat na tinubuan ng mukha. Special tayo sa mga mata ni God kahit ano pa tayo! Kung sa tao mas mahalaga ang itsura kay God hindi!

But the LORD said to Samuel, "Do not look at his appearance or at the height of his stature, because I have rejected him; for God sees not as man sees, for man looks at the outward appearance, but the LORD looks at the heart." - 1 Samuel 16:7

Sunday, January 6, 2013

YEAR OF THE SNAKE?

Happy new year mga brad! Year of the snake daw this 2013, kinakabahan ba kayo? pakiramdam niyo ba mamalasin kayo ngayong taon? Madami kase akong nabasa sa facebook status nung sobrang kaka bagong taon lang tulad ng,

"Oh please be good to me 2013!"  o kaya "Year of the snake ngayon, at year 2013, its not gonna be a good year for us, snake & number 13 is malas!"
Oh di ba? Nakabasa din ba kayo ng mga ganyang status post? Please be good to me? Inano po ba kayo ni pareng twenty twelve? Inupakan? Haha. At saka pano naman yung mga pinanganak ng year of the snake? Taas po kamay ng mga year of the snake diyan (kung may kamay, kung wala, gapang na lang bro) ano sila walking malas sa ibabaw ng planet earth?

Ang masasabi ko lang mga brad, dahil hindi talaga ako naniniwala sa swerte at malas na yan is I'm not gonna give my life to no serpent, it's gonna be year of the Lord for me. His will be done pa rin! Mas maganda na mag trust kay Lord sa buong taon kesa mag trust sa ahas at number 13. Kaya relax ka lang jan, pray lang ng pray! Hawak tayo ni Lord sa mga kamay niya, wala namang kamay si snake kaya laglag ka talaga jan.

Commit to the LORD whatever you do, and your plans will succeed - Proverbs 16:3

Promise ni Lord yan! He is astig! :)