Sa wakas nakapag sulat din! Medyo busy kase ako mga brad, pasensiya na graduating eh at sa wakas ng panahon, makakatapos na rin ako ng kolehiyo. Dahil sa graduating madaming mga requirements na dapat ipasa at madaming mga exams na kailangan ipasa. Kaya nga naman nag lalabasan ang mga ka-tagyawatan. Sabi nga nila hindi mo dapat ikahiya ang tagyawat dahil pinagpuyatan mo yan. May tama nga naman sila.
Habang sinusulat ko ito, may dalawa akong tagyawat na nangangati. Isa sa pisngi at isa sa ilong (badtrip). Hindi ako tagyawating bata, paminsan minsan lang, kapag kulang sa tulog at na-iistress. Sa loob ng isang taon, siguro may pitong tagyawat lang ako buong taon. Kaya ang ibig sabihin pitong araw lang ako sa isang taon kulang sa tulog at na-stress? Hindi naman siguro.
Hindi rin ako naniniwala na ang pagkain ng tsokolate ay nakakapag dulot ng tagyawat. Kawawa naman mga brad ang mga taong tagyawatin, madami na ngang tigidig at tagyawat pag babawalan mo pa kumain ng tsokolate. Hangsarap pa naman nito habang unti unting natutunaw sa iyong bibig. At ang tsokolate pa naman ang isa sa pinakamasarap na nilikha ni Father God tapos pag babawalan mo pa sa mga tagyawating bata. Kawawa naman sila. Isipin mo, umuulan, malungkot sila, nakatingin sa kapatid na kumakain ng limpak limpak na chocolate tapos sila umiiyak habang nagtitiris ng tagyawat. Saklap di ba brad?
At kung bawal ang chocolate sa mga tagyawatin. Ibig sabihin pag nanligaw ang isang lalaki sa isang babaeng tagyawatin, wala siyang karapatan magbigay ng chocolate, puro bulaklak at teddy bear lang dapat. Mangangayayat sa kakangata ng bulaklak at teddy bear ang babaeng yan brad! Walang kasusta-sustansiya naman. Malnourished brad! Wala ka sweet-sweet!
Dito sa Pinas normal lang ang tagyawat pero nabalitaan niyo ba yung taga states na nagpakamatay dahil lamang sa tagyawat? Hindi ko din nabalitaan yun pero nakwento lang ng titser ko nung nag lelecture siya. Gullible ako kaya siempre shinare ko din agad sa inyo. Ang masasabi ko lang brad, God loves us kahit ano pa tayo, kahit parang ang mukha natin ay tagyawat na tinubuan ng mukha. Special tayo sa mga mata ni God kahit ano pa tayo! Kung sa tao mas mahalaga ang itsura kay God hindi!
But the LORD said to Samuel, "Do not look at his appearance or at the height of his stature, because I have rejected him; for God sees not as man sees, for man looks at the outward appearance, but the LORD looks at the heart." - 1 Samuel 16:7
Nice, graduating na. Galingan mo paps! Hindi totoo yung sa shokolate, and sa peanut. :)
ReplyDeleteako rin hidni tagyawatin nung college pero ngayon nag-work ako tinadtad ako pero mabuti naman sa isang side lang ng aking fez. stress na rin siguro at lifestyle dahil laging puyat at kakulangan sa nutrients. hehehe!
ReplyDeletepara sa akin ang tsokolate ay hindi nakakatagyawat. mahilig ako tsokalate since birth pero bakit gayon ako may tagyawat kung kailan hindi ako kumakain. siguro dalasan ko nga ang pagbili. ahahah!
Siempre si God, the best yan.ang pagkatao naman talaga ay hindi nakabase sa itsu kundi sa asal. mabuhay!