Paano kung busyng busy ka gumawa ng kasalanan tapos nakita ka ni Jesus Christ tapos tinanong ka nito?
Why do you entertain evil thoughts in your hearts? - Matthew 9:4
Ano ang gagawin mo? (Choose the best answer)
a. Nganga
b. Iyak tapos nosebleed in 2 secs.
c. takbo palayo
d. Paki-ulit, choppy ka po. (Bingi-bingihan)
e. Hingi ng kapatawaran
Hindi ba't kapag humingi ng kapatawaran sa iyo ang isang tao, patatawarin mo rin naman? Pero pano kung humingi siya ng kapatawaran, tapos paulit ulit niya ring ginagawa yung hiningi niya ng kapatawaran? Patatawarin mo pa rin ba o tatambling ka na lang?
Kaya nga astig si Jesus kase siya, kahit paulit ulit pa tayong nagkakasala 101 % sure ball patatawarin niya tayo. Lamentations 3:22-23 says, Because of the Lord's great love we are not consumed, for his compassions NEVER FAIL. They are new every morning, great is your faithfulness. Pero hindi naman yan lisensiya para araw-araw paulit ulit nating gawin yung kasalanan na yan. Mahiya naman tayo brad.
Ano sagot brad? nganga na lang?
Letter E siempre! Pero dapat Hingi ng kapatawaran + talikuran na ang kung ano anong evil thoughts na yan
Nakakahiya talaga ako. Paulit ulit ako sa pagkakasala ko. Pero heto si Jesus at pinapatawad tayo palage. Sana hindi siya magsawa... nakakahiya na ako. :)
ReplyDeletenaku kung mangyari yun sobrang nakakahiya ako.
ReplyDeleteguilty ako dyan sa pagpapatawad sa mga taong may paulit na ulit na kasalanan. bukod kasi sa nakakasawa, nakakwalang gana rin kasi for me.
mabuti si God hindi ganoon.