Saturday, April 27, 2013

Water into Wine


Umagang umaga kanina, I woke up with a text message from a friend, asking where in the Bible he can find that Jesus said "Hindi masamang uminom ng alak." Sabi ko "meron ba nun"? Sabi niya "Oo sinabi mo sakin dati yun."

Wala naman sinabi si Jesus na ganun, ang sinabi ko sa kanya ay itong verse na ito. Sayings of King Lemuel lang in the book of Proverbs 31:6-7 "Give beer to those who are perishing , wine to those who are in anguish; let them drink and forget their poverty and remember their misery no more." Again, hindi si Jesus Christ ang nagsabi niyan. Pero ang sarap na rin pang hawak na Bible verse para sa mga manginginom diyan.

Kung ako ang tatanungin kung masama ba ang uminom. Sa palagay ko lang hindi naman, lalo na kung tubig lang ito. Kidding aside, ayos lang naman ang pag inom, yung sakto lang, tipong mabasa lang dulo ng labi mo. Haha! di naman ayos na yung tipong di ka nagsusuka sa kung saan saang lababo at hindi gumagapang pauwi na sabog ang mukha.

Tsaka ayos lang naman siguro talaga kase Jesus changes water to wine pa nga sa kasalan ( John 2:1-11). So umattend si Jesus sa kasalan, tapos kinausap siya ni ermat niya na wala nang wine ang kinasal. Parang ganto ang nangyari doon eh;

Mary (Ermat ni Jesus): Son, they have no more wine.
Jesus: Ermat naman eh! Why do you involve me in this? Di naman ako ang wedding coordinator at lalong hindi ako ang kinasal. Hindi ko na problema yan.

Erase! Erase! Hindi ganyan ang nangyari dun. Sabi niya lang in verse 4,"Dear woman, why do you involve me?" Jesus replied "My time has not yet to come." Oh di ba kung si Jesus ang tatanungin ayaw niya ma involve sa mga wine wine na yan. Hahaha!

Pero seryoso hindi naman talaga masama ang uminom ng alak. Ang masama yung sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas, nagiinom ka. Sobra naman yan brad! Alam mo naman na lahat ng sobra sa katawan masama. Ma share ko lang praise God! siguro more than 1 year na rin akong hindi umiinom ng beer o ng kahit anong alak, 1 year na rin akong hindi nalalasing! Wohooooo!!

Astig pa rin si Jesus noh? Kahit ayaw niyang gumawa sana ng miracle pa, gumawa na siya just to show his love and care para sa bisita sa kasal at ginawa niya yun para pag bigyan ang kahilingan ni ermat niya. Ganun niya tayo kamahal brad! Sobrang astig niya!

Wednesday, April 10, 2013

Hala siya!

Two sems ago may kaklase akong palaging nagmamadali sa 8am - 12 pm class namin. Itago na lang natin siya sa pangalang ex-classmate. Kapag pumapalo na ng 11:30am ang oras, lumilipad na ang isip niya kahit buong buhay pa ang pagtuturo ng propesor namin. Para bang kating kati na siya niyan umalis ng classroom at kapag nakalabas nagkukumahog sa pag baba ng hagdan. Noong una hindi ko alam kung bakit.

Hindi naman ganoon katagal magturo ang prof na yun, kadalasan 11 am natatapos ang klase niya. Isang beses napasarap ata ang pagtuturo niya, umabot ata kami ng 11:45 am. Sinumpong talaga ang kaklase kong yun, kung pwede lang siyang sumigaw ng "tama na! bukas naman" eh gagawin niya.

Nitong nakaraang sem naman, sa ala-una ng hapon kong klase, dahil sa kailangan kong pumunta ng maaga sa school para may ipasa doon sa isang prof, nakasabay ko si ex-classmate na laging nag mamadali kapag pumalo na ng 11:30 am ang oras. 11 am nun, magkasabay kami sa jeep sa kahabaan ng trapik sa Recto. Napansin kong napapa "Juskopo sabay iling ng ulo siya tuwing humihinto ang dyip sa trapik" Edi kinausap ko siya . . .

Ako: Kamusta? Ang trapik no!
Siya: Okay naman! Oo nga nakakainis yung traffic!
Ako: Anong oras klase mo?
Siya: 1 pm pa naman.
Ako: Maaga pa ah.
Siya: Umaalis talaga ako ng maaga lagi.
Ako: Ah ganon ba.

Nakarating na nga kami sa school, ambilis niya magkalad. Hindi ko na alam san siya pumunta, pero ako pumunta ako sa prof ko para mag pasa ng requirements. 11:45 am pagkapasa ko, nagutom na ako, pumunta na ako sa canteen, para tumambay at palipas oras para kumain. Lo and behold, si ex-classmate tutok na tutok sa harapan ng telebisyon sa canteen. Bumibicareful with my heart  at sumisir chief pala!

Ako: Huy!!!
Siya: Oyy!
Ako: Kumain ka na?
Siya: Di pa, pagtapos na nito.
Ako: Hala siya!

Noon ko lang naintindihan kung bakit siya nagkakaganon at noon ko lang din naintindihan kung bakit maraming tao sa canteen kapag ganong oras at mabagal ang serving (nanonood din ang kahera etc.)
Ngayon dahil sa bakasyon, yung kapatid ko at pinsan kong babae sa tuwing tinatawag ng "Kakain na!" Eh napapa kunot ang noo kapag hindi pa tapos ang "Be Careful with my heart". Kaya naman sinet na namin ang lunch time sa mas maagang oras, aba ambilis bilis naman namin kumain at bilis nilang maghugas ng pinggan ngayon"

Okay naman ang "Be Careful with my Heart" kakaiba sa ibang teleserye na may mga tumatambling, lumilipad na tao, nagsasalitang mga hayop, sabunutan, sampalan, patayan etc. Dito parang sobrang relax lang.

Isingit ko lang to bigla, dahil alam natin kung gaano ka astig si JESUS, hindi natin siya pwedeng sabihan ng "Be Care with my Heart Jesus" because he will do more than take care. He heals the brokenhearted and bandages their wounds pa nga eh. (Psalm 147:3) Hindi niya tayo sasaktan! Sobrang labs niya kaya tayo.
Nawala na ata ako sa topic. Haha! Anyhow, inihaw, para sa mga adik diyan sa "Be Careful with my Heart". Mas masarap mag adik kay Jesus. Try niyo. Hahaha!