Hindi naman ganoon katagal magturo ang prof na yun, kadalasan 11 am natatapos ang klase niya. Isang beses napasarap ata ang pagtuturo niya, umabot ata kami ng 11:45 am. Sinumpong talaga ang kaklase kong yun, kung pwede lang siyang sumigaw ng "tama na! bukas naman" eh gagawin niya.
Nitong nakaraang sem naman, sa ala-una ng hapon kong klase, dahil sa kailangan kong pumunta ng maaga sa school para may ipasa doon sa isang prof, nakasabay ko si ex-classmate na laging nag mamadali kapag pumalo na ng 11:30 am ang oras. 11 am nun, magkasabay kami sa jeep sa kahabaan ng trapik sa Recto. Napansin kong napapa "Juskopo sabay iling ng ulo siya tuwing humihinto ang dyip sa trapik" Edi kinausap ko siya . . .
Ako: Kamusta? Ang trapik no!
Siya: Okay naman! Oo nga nakakainis yung traffic!
Ako: Anong oras klase mo?
Siya: 1 pm pa naman.
Ako: Maaga pa ah.
Siya: Umaalis talaga ako ng maaga lagi.
Ako: Ah ganon ba.
Nakarating na nga kami sa school, ambilis niya magkalad. Hindi ko na alam san siya pumunta, pero ako pumunta ako sa prof ko para mag pasa ng requirements. 11:45 am pagkapasa ko, nagutom na ako, pumunta na ako sa canteen,
Ako: Huy!!!
Siya: Oyy!
Ako: Kumain ka na?
Siya: Di pa, pagtapos na nito.
Ako: Hala siya!
Noon ko lang naintindihan kung bakit siya nagkakaganon at noon ko lang din naintindihan kung bakit maraming tao sa canteen kapag ganong oras at mabagal ang serving (nanonood din ang kahera etc.)
Ngayon dahil sa bakasyon, yung kapatid ko at pinsan kong babae sa tuwing tinatawag ng "Kakain na!" Eh napapa kunot ang noo kapag hindi pa tapos ang "Be Careful with my heart". Kaya naman sinet na namin ang lunch time sa mas maagang oras, aba ambilis bilis naman namin kumain at bilis nilang maghugas ng pinggan ngayon"
Okay naman ang "Be Careful with my Heart" kakaiba sa ibang teleserye na may mga tumatambling, lumilipad na tao, nagsasalitang mga hayop, sabunutan, sampalan, patayan etc. Dito parang sobrang relax lang.
Isingit ko lang to bigla, dahil alam natin kung gaano ka astig si JESUS, hindi natin siya pwedeng sabihan ng "Be Care with my Heart Jesus" because he will do more than take care. He heals the brokenhearted and bandages their wounds pa nga eh. (Psalm 147:3) Hindi niya tayo sasaktan! Sobrang labs niya kaya tayo.
Nawala na ata ako sa topic. Haha! Anyhow, inihaw, para sa mga adik diyan sa "Be Careful with my Heart". Mas masarap mag adik kay Jesus. Try niyo. Hahaha!
hehe! please be careful with my heart lang pala ang eksena! hala.
ReplyDelete