Friday, August 30, 2013

CONTROL IT BROTHER!

(Photo Credit Google Image Search)
I went out to a concert party at a bar here in LA a month ago with my chum and his friends. On our small talk they offered me liquors and cigarettes. I refused to get some and I just had a carbonated drink instead. "Man you are wasting your life. You need to enjoy your youth, you need to loosen up! When you get old you can no longer enjoy these good things on earth. Have you ever smoked a marijuana? Have you ever been get laid? We're going to change you, this is California man, we will end up tonight in bed naked! I replied "If I should have known, I shouldn't have gotten here" then we laughed at it.

During my teenage years and early 20's I for sure did all these things (except for the marijuana). I mean I enjoyed drinking with friends and getting drunk, I enjoyed smoking cigarettes when I was working in a call center just to alleviate the stress at work, I had sexual encounters with people I'm not married to for the sake of curiosity and to feed my sexual desires. I've been there and been that.

Christianity aside, as a nurse I stopped doing these things because I started to take care of my body. I know for a fact that alcoholic beverages and cigarettes can harm the body. Lahat ng bagay na ito can cause your body organs such as your kidney, heart and lungs to deteriorate slowly. Kung mahal mo ang sarili mo at mahal mo ang pamilya mo you wouldn't be doing these things. Second hand smoke is worst. Kawawa naman ang mga nakikilanghap, cause they have no choice.

Yes a condom can protect you from getting pregnant or can protect you from acquiring sexually transmitted diseases but it cannot protect you from a broken heart. If you have been addicted to sex, mahirap na to get way out, you'll crave for more and will no longer be satisfied by just having one partner. You will never enjoy the beauty of sex when you get married because you have someone to be compared of, you get confused with lusts. They say na okay lang sa mag kalalakihan to have sex with different partners kase wala namang mawawala sa kanila, kumpara sa mga babae, I believe that is wrong.  Having sex with different partners is something dogs do. Hindi naman tayo aso, they might have no self control kaya gagawin nila yun anytime, anywhere. We are humans God gave us self control so we need to use it. Control it parekoy! I think it's not very manly to have maraming sexual partners, that means you are very weak in controlling yourself.

For people who watch a lot of pornography, I believe this will affect you someway or somehow, it will stick in your mind and it will affect how you treat women for instance. And if you've been into these kind of activity you need grace from God. He will erase everything and make you a new person.

I don't want to sound like self-righteous here. Like what I said I've been into it and I learned a lot from it. Habang ginagawa mo ang kasalanan, there is so much pleasure in it pero after you do it, what do you feel? You feel bad right? Sobrang parang binabarena ang emotions mo. Kahit anong sabon ang gawin mo sa katawan mo you will still feel dirty. You feel immoral, unloved, unaccepted and condemned. That's what the demons want you to feel. We all need God to save us from all of these thoughts and I believe if we focus our eyes on Jesus alone, mawawala ang lahat ng ito at lilinisin niya tayong lahat sa ating mga kasalanan like a new born baby.

I ended up the night on my bed. Hindi nag yosi, hindi nalasing at hindi nakipag sex. Buhay pa naman ako! Temptations will always be there. Sinabi na ni Jesus yan, sa prayer niya nga hindi niya pinag pray na alisin niya tayo sa makasalanang mundo na ito, but his prayer is for us to overcome sins, to overcome evil. (John 17:15) At pwede naman mag enjoy ng buhay without comprising our health. Mas masarap kaya mag enjoy sa presence ni Lord at alam mong nagiging victorious ka sa pag gawa ng kasalanan. Try mo! :)


Flee from sexual immorality. Every other sin a person commits is outside the body, but the sexually immoral person sins against his own body. -1 Corinthians 6:18

No temptation has overtaken you that is not common to man. God is faithful, and he will not let you be tempted beyond your ability, but with the temptation he will also provide the way of escape, that you may be able to endure it. - 1 Corinthians 10:13

Turn my eyes from looking at worthless things; and give me life in your ways. - Psalms 119:37

Now the works of the flesh are evident: sexual immorality, impurity, sensuality, idolatry, sorcery, enmity, strife, jealousy, fits of anger, rivalries, dissensions, divisions, envy, drunkenness, orgies, and things like these. I warn you, as I warned you before, that those who do such things will not inherit the kingdom of God- Galatians 5:19-21

(If you like to be prayed for send me a message and I will pray for you) 


Sunday, August 18, 2013

Bakit Single Ka Pa Rin?

(Photo from arclicks.tumblr.com)
One of the family member asked me "Bakit single ka pa rin?" Boom! Tumama ang tanong niya! Last year a friend asked me kung hindi ba ako nalulungkot dahil single ako. (If you want to read my post last year sa sagot ko sa kanya click here.) 

Anyhow, inihaw. For some of you who didn't know. I had a very little history of having a relationship with a woman. Hindi pa lalagpas sa daliri sa isang kamay. Medyo, matibay kase ako pag nag mahal eh todo todo parakundo, kaya pag nasaktan tagal din bago maka alpas! At saka pagtapos nung huli, eh sobrang nahirapan na ako makahanap ng iba. Complete package kase niya eh!

So bakit single pa din ako? For in the moment, I am so contented for being one. Don't get me wrong, I mean for now I am okay, but the Lord knows my heart. I don't want to be single for the rest of my life, but even if I'm single kahit tumagal pa ng ilang taon pa, kung hindi naman will ni God na magkagirlfriend ako in the near future I wouldn't mind, like what I said I am that happy and contented right now. I don't wan't to get things that God won't provide for me. Ayoko naman ng kahit sino na lang magkameron lang. And yes just to clear things out I am interested to be in a relationship but in God's perfect time. Malay mo sa isang taon o isang buwan eh padalhan ako ni Jesus via FedEx ng supah hot, supah smart, perfect girl na para sakin. Nothing is impossible eh~ pray without ceasing! Haha! At yang relationship na yan pinag pepray talaga yan. :)

Kidding aside. I think it's better to fix your relationship first with Jesus before engaging into a relationship na hindi God's will. It's better to have a good relationship with Jesus first because he is the one who created love. If you have a good relationship with Jesus, the human aspect of engaging into a relationship will be easy. But if you don't have a good relationship with the creator of love, I think you will never really understand what love is. You'll end up crying for a broken relationship lang. So sayang lang.

Like what I said from my previous blogs "I had a very heart-breaking past love experience." Medyo masakit talaga Kuya Eddie. But I thank God, napupunuan ng pagmamahal ni Lord ang sakit na iyon. Right now I can say na tanggap ko na at masaya na ako para sa kanya, para sa kanila. Mahirap kase talaga ang long distance relationship, hirap i-work out. Hantay na lang talaga ako sa pa FedEx ni Lord. :)

At para sa mga brad natin diyan na single at may very heart-breaking past love experience, Psalm 147:3 say's Jesus heals the brokenhearted and binds up their wounds. Bigay mo na kay Jesus yan brad because he will fix your heart, papahirin niya ang luha sa mga mata mo at papawiin niya lahat ng sakit diyan. Give it up to Jesus brad and fix your relationship with him first!

So bakit ako single? Kase I'm enjoying my relationship with Jesus right now. I think this is better than engaging into a relationship that does not glorify God. I believe na pag maayos ang relationship ko kay Jesus, magiging maayos din ang pagpapamilya ko someday. At next time na manliligaw ako I'll make sure that she is the one I would like to marry, and hope that someday, pag kinasal na kami eh mabasa niya ito :)

Trust in the Lord with all your heart, and do not lean on your own understanding. In all your ways acknowledge him, and he will make straight your paths - Proverbs 3:5-6
He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning, nor crying, nor pain anymore, for the former things have passed away.”- Revelation 21:4
The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.- Psalm 34:18


He heals the brokenhearted and binds up their wounds.- Psalm 147:3

Sunday, August 11, 2013

LAHAT NG BABANGGA AY MAGIGIBA

Kapag matibay ang iyong pundasyon, hindi ka basta basta matutumba. Sabi nga ng kanta ng Sandwich "Lahat ng babangga ay magigiba, humanda ka!"

Hindi ba mas maganda na ikaw yung astigin na hindi basta basta nagigiba? Hindi ikaw itong konting bangga lang eh, tumba agad, plakda kung plakda! Literally kung may bumanggang problema sa atin, hindi ba maganda na alam mo na meron kang magandang pundasyon na masasandalan?

Let me tell you mga brad, if Jesus is our solid foundation hindi tayo basta basta matutumba. Alam natin na kapag may pagsubok eh meron tayong Jesus. Na sobrang astig, sobrang solid, hindi basta bastang matutumba, King of kings at Lord of lords ba naman eh, alam natin na kaya niyang gawin ang lahat ng bagay para sa atin, kase with him all things are possible. (Mark 9:23)

I'd like to share this parable about the wise and the foolish builders.

The Wise and Foolish Builders (Matthew 7:24-27)

24 “Therefore everyone who hears these words of mine and puts them into practice is like a wise man who built his house on the rock. 25 The rain came down, the streams rose, and the winds blew and beat against that house; yet it did not fall, because it had its foundation on the rock. 26 But everyone who hears these words of mine and does not put them into practice is like a foolish man who built his house on sand. 27 The rain came down, the streams rose, and the winds blew and beat against that house, and it fell with a great crash.”


Si Jesus ang tinutukoy na rock diyan at ikaw yung bahay. Kung sa bato ka nga naman nakatayo, kahit anong bagyo o pagsubok ang dumating, hindi ka basta basta magigiba, matibay ka, hindi ka basta basta nagkakatumba tumba. Pero kung hindi si Jesus ang pundasyon mo, may maliit lang na problema, humangin lang, crash ka agad, tapos matagal bago mo malampasan ang problema. Eh paano pa kaya kung bagyo ang dumating? tumba ka talaga sa buhangin, plakda, lunod kung lunod.

Hindi lamang sa problema nangyayari ang mga pagkakalunod na yan. Minsan hindi natin alam na pwedeng ikasira din ng relasyon natin sa pamilya kung wala tayong matibay na pundasyon sa mga pangaral ng Bibliya.
(Example: May asawa ka o kaya girlfriend, may dumaan na seksing babae - sunod ka naman agad kay chicks. So ano ang susunod na mangyayari? Wasak ang relasyon niyong mag asawa. O kaya naman may bigotilyong lalakeng maraming buhok sa dibdib - sunod naman si babae - wasak din ang pamilya)

Kaya naman dapat punong puno tayo ng mga teachings ni Jesus para hindi tayo basta basta nagkakatumba tumba. :) At in case na may dumaan na sobrang lakas na bagyo at mawala ang faith natin, matumba man tayo, malunod man tayo. . .


We know that JESUS will be our all time lifeguard. We know that he will save us from drowning. Kaya whenever I'm at my most low, I know that he is all the way up there in heaven looking at me down below and for sure I will never be too low for him to lift me up. He can even walk on water to lift me up. :)

It is Jesus who arms me with strength and keeps my way secure. He is astig! (Psalm 18:31)
#sharehisword

Sunday, August 4, 2013

ANG TSISMIS

Have you ever been a victim of gossip? or have you ever been a participant in this activity? Sa palagay ko isa ito sa pinaka masalimuot na pang yayari na pwedeng maranasan ng isang tao. Yung tipong pinag pipyestahan ka ng mga tao at ikaw ang pinag uusapan. This morning I saw facebook statuses that talks about Chito & Neri's scandal. Some of them even posted the actual video. I almost played the video but something in my inner conscience stopped me. Siguro dahil hindi ko magawa ay dahil hinahangaan ko bilang magaling na pinoy artist si Chito Miranda.

Naisip ko lang bigla kung bakit may mga taong pinag lalaanan ng oras at pansin ang pagkakalat ng mga gantong pangyayari. Kung hindi ipagkakalat sa text, sa facebook, iti-tweet at gagawin ang lahat para sirain at pabagsakin ang taong na involve dito. Tanong ko lang brad, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Chito? Ano ang mararamdaman mo kung pag pyestahan ka ng mga tao? Sa palagay ko, kaya may mga taong gustong manira ng taong mga sikat ay dahil gusto nila ma-idikit at ma-iangat din sila kahit papano sa kasikatan.

Dati noong hindi pa uso ang text at facebook eh mahirap magkalat ng tsismis. Pupunta ka pa sa kapitbahay para lamang ipagkalat ang balitang iyong nasagap, badtrip pa pag walang tao. Ngayon instant kalat na agad, isang tweet lang, facebook mo lang, intagram, tumblr, lahat yan madaling ikalat ang mga tsismis. Totoo man o hindi ang tsismis dapat hindi tayo sumasali sa mga ganyang uri ng activity. Hindi magandang hobby ang paninirang puri. Dapat kapag nakakarinig tayo ng hindi magagandang bagay eh hindi na natin pagkakalat, sa hanggang atin pa lang eh dapat nailibing na ang ganyang usapan.

Kapag may nasagap kang balita. Huwag mo na i-forward sa iba totoo man o hindi, lalo't ikakasira ng iba. Parang ganto lang yan brad. Ipag palagay natin na ang tsimis is equals to tae (tsimis = tae). Kapag ba ang tae nadaanan mo, bubungkalin at ipapakita mo pa ba sa iba? Hindi di ba? Ang tsismis ay parang tae, madumi, dapat itong iniiwasan, kinakalimutan at hindi na babalikan pa.

It says on Proverbs 26:20 "Without wood a fire goes out; without a gossip a quarrel dies down. Kapag may hindi magandang bagay na nangyari sa kapwa eh wag na pag usapan para tumahimik na. Apoy man kung wala ng masusunog eh titigil din yan. Huwag mo na lalagyan ng panibagong kahoy o gasolina para hindi na lumagablab. Iyan ang ginagawa ng mga nasa showbiz twing hapon ng linggo eh. Magkabilaang istasyon eh pag uusapan ang kung sino sinong artista. Tayo naman na nakakanood eh unconsciously na,  unaware pa na kung ano anong basura na pala ang nailagay natin sa tenga papasok sa utak natin.

Dapat gayahin natin si Jesus Christ. Nung time na may dinala sa kanyang babae na nangangalunya para batuhin ng bato hanggang mamatay, uso kase to noon eh. Astig si Jesus kase hindi na niya tinanong ang babae kung totoo ba ang pinararatang sa kanya, hindi na niya pinuntahan ang lalaki kung totoo ba o hindi. Ibig sabihin iniwasan na ni Jesus yung tsismis dahil alam niyang wala naman siyang mapapala. Baka madumihan lang ang isip niya at mahusgahan niya pa ang babaeng ito. Kaya sabi na lang niya "Mauna nang bumato ang walang kasalanan." Sure enough walang bumato at nag alisan na lahat. Let's be Christlike when we hear tsismis, wag na natin alamin at suriin kung totoo man ito o hindi, sa atin na lang yan brad, huwag ng ipagkalat pa sa iba dahil sa bandang huli kung ikaw man ang nagkalat ng tsismis, ikaw at ikaw din ang masisisi. Kaya brad. Dwell on things worthy of praise na lang.

Finally, brethren, whatever is true, whatever is honorable, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is of good repute, if there is any excellence and if anything worthy of praise, let your mind dwell on these things. - Philippians 4:8


(Please share para mabasa ng iba. Salamat!)