Sunday, August 4, 2013

ANG TSISMIS

Have you ever been a victim of gossip? or have you ever been a participant in this activity? Sa palagay ko isa ito sa pinaka masalimuot na pang yayari na pwedeng maranasan ng isang tao. Yung tipong pinag pipyestahan ka ng mga tao at ikaw ang pinag uusapan. This morning I saw facebook statuses that talks about Chito & Neri's scandal. Some of them even posted the actual video. I almost played the video but something in my inner conscience stopped me. Siguro dahil hindi ko magawa ay dahil hinahangaan ko bilang magaling na pinoy artist si Chito Miranda.

Naisip ko lang bigla kung bakit may mga taong pinag lalaanan ng oras at pansin ang pagkakalat ng mga gantong pangyayari. Kung hindi ipagkakalat sa text, sa facebook, iti-tweet at gagawin ang lahat para sirain at pabagsakin ang taong na involve dito. Tanong ko lang brad, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Chito? Ano ang mararamdaman mo kung pag pyestahan ka ng mga tao? Sa palagay ko, kaya may mga taong gustong manira ng taong mga sikat ay dahil gusto nila ma-idikit at ma-iangat din sila kahit papano sa kasikatan.

Dati noong hindi pa uso ang text at facebook eh mahirap magkalat ng tsismis. Pupunta ka pa sa kapitbahay para lamang ipagkalat ang balitang iyong nasagap, badtrip pa pag walang tao. Ngayon instant kalat na agad, isang tweet lang, facebook mo lang, intagram, tumblr, lahat yan madaling ikalat ang mga tsismis. Totoo man o hindi ang tsismis dapat hindi tayo sumasali sa mga ganyang uri ng activity. Hindi magandang hobby ang paninirang puri. Dapat kapag nakakarinig tayo ng hindi magagandang bagay eh hindi na natin pagkakalat, sa hanggang atin pa lang eh dapat nailibing na ang ganyang usapan.

Kapag may nasagap kang balita. Huwag mo na i-forward sa iba totoo man o hindi, lalo't ikakasira ng iba. Parang ganto lang yan brad. Ipag palagay natin na ang tsimis is equals to tae (tsimis = tae). Kapag ba ang tae nadaanan mo, bubungkalin at ipapakita mo pa ba sa iba? Hindi di ba? Ang tsismis ay parang tae, madumi, dapat itong iniiwasan, kinakalimutan at hindi na babalikan pa.

It says on Proverbs 26:20 "Without wood a fire goes out; without a gossip a quarrel dies down. Kapag may hindi magandang bagay na nangyari sa kapwa eh wag na pag usapan para tumahimik na. Apoy man kung wala ng masusunog eh titigil din yan. Huwag mo na lalagyan ng panibagong kahoy o gasolina para hindi na lumagablab. Iyan ang ginagawa ng mga nasa showbiz twing hapon ng linggo eh. Magkabilaang istasyon eh pag uusapan ang kung sino sinong artista. Tayo naman na nakakanood eh unconsciously na,  unaware pa na kung ano anong basura na pala ang nailagay natin sa tenga papasok sa utak natin.

Dapat gayahin natin si Jesus Christ. Nung time na may dinala sa kanyang babae na nangangalunya para batuhin ng bato hanggang mamatay, uso kase to noon eh. Astig si Jesus kase hindi na niya tinanong ang babae kung totoo ba ang pinararatang sa kanya, hindi na niya pinuntahan ang lalaki kung totoo ba o hindi. Ibig sabihin iniwasan na ni Jesus yung tsismis dahil alam niyang wala naman siyang mapapala. Baka madumihan lang ang isip niya at mahusgahan niya pa ang babaeng ito. Kaya sabi na lang niya "Mauna nang bumato ang walang kasalanan." Sure enough walang bumato at nag alisan na lahat. Let's be Christlike when we hear tsismis, wag na natin alamin at suriin kung totoo man ito o hindi, sa atin na lang yan brad, huwag ng ipagkalat pa sa iba dahil sa bandang huli kung ikaw man ang nagkalat ng tsismis, ikaw at ikaw din ang masisisi. Kaya brad. Dwell on things worthy of praise na lang.

Finally, brethren, whatever is true, whatever is honorable, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is of good repute, if there is any excellence and if anything worthy of praise, let your mind dwell on these things. - Philippians 4:8


(Please share para mabasa ng iba. Salamat!)

No comments:

Post a Comment