Sa araw araw na ginawa ng Diyos sa buhay mo, araw araw kailangan natin gumawa ng desisyon. Halimbawa papasok ka sa trabaho o sa iskwela, pag gising mo pa lang gagawa ka na ng desisyon.
Alarm Clock: Tiktilaok! Tiktilaok!
Ikaw: Mumulat na ba ako o hindi? Mumulat na ba ako o hindi?
Hindi! Snooze~
After 15 Minutes~
Alarm Clock: Tiktilaok! Tiktilaok!
Ikaw: Babangon na ba ako o hindi? babangon na ba ako o hindi?
Okay bangon!
Ikaw: Papasok ba ako o hindi? Papasok ba ako o hindi? Hmmmm.....
Okay papasok!
Ikaw: Kakain na ba ako o hindi? kakain na ba ako o hindi?
Kain na nga!
Ikaw: Maliligo na ba ako o hindi? Maliligo na ba ako o hindi?
Ligo na nga!
Ikaw: Magbibihis na ba ako o hindi? Magbibihis na ba ako o hindi?
Okay bihis na nga!
Ikaw: Aalis na ba ako o hindi? Aalis na ba ako o hindi?
Hmmm... Maya maya..
Ikaw: Aalis na ba ako o hindi? Aalis na ba ako o hindi?
Okay maka alis na nga baka trapik.
Ikaw: Naku puno ang mga dyip, wala akong masakyan! Malalate na ako hmmm..
Magtataxi ba ako o hindi? mag tataxi ba ako o hindi?
Sige na nga. Taxi!! Taxi!!!
Ikaw: Paparahin ko na ba tong taxi na ito o hindi? Paparahin ko na ba tong taxi na ito o hindi?
Hindi. Karag-karag eh tsaka parang mainit ang aircon. (Lupet parang heater!!)
Sige na nga parahin ko na!
Ikaw: Itataas ko ba ang kamay ko o hindi? Itataas ko ba ang kamay ko o hindi?
Okay taas! Ma para!!!
Ikaw: Ang trapik naman! Sana nag LRT na lang ako.
Bababa na ba ako o hindi? bababa na ba ako o hindi?
Wag na. Baka madami din tao sa LRT.
Pag dating sa school. . .
Ikaw: Papasok ba talaga ako o hindi? Papasok ba talaga ako o hindi?
Nandito na ako eh. Pasok na nga!
Ikaw: Papanik na ba ako o hindi? Papanik na ba ako o hindi?
Sige na nga!
Ikaw: Naku late na ako! Nasa loob na yung prof! Malamang papahiyain na naman ako kase late ako.
Hmmm... isip isip isip....
Ikaw: Papasok ba talaga ako o hindi? Papasok ba talaga ako o hindi?
Makauwi na nga!
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa oras-oras, sa minuminuto ng buhay mo, lagi mong kailangan gumawa ng desisyon. Kung nag pabaya ka man sa pag aaral, sa trabaho, sa kalusugan mo. Ikaw ang pumili niyan. Kaya kung ano ang kung ano ka ngayon, wala kang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo.
Pero iba ang pangako ni Jesus! Simple lang, sabi niya sa Proverbs 16:3 "Commit your plans to the LORD, and your plans will succeed."
Proverbs 3:5-6. "Trust in the Lord with all your heart, and do not lean on your own understanding. In all your ways acknowledge him, and he will make straight your paths."
Kaya dapat bago ka tumayo sa kama. Hindi mo na kailangan pag desisyonan ito. . .
Ikaw: Mag pe-pray ba ako o hindi? Mag pe-pray ba ako o hindi?
SIEMPRE PRAY! Commit nga kay Lord e~
No comments:
Post a Comment