Monday, September 16, 2013

In Your Arms

(Me and my Mommy)
Naaalala mo ba nung bata ka, yung panahon na naglalaro ka tapos nakatulog ka sa sofa o di naman kaya ay sa sahig? Naaalala mo ba na minsan ay binuhat ka ng iyong ama o kaya ng iyo ina upang dalhin ka sa iyong kama? Marahil ay hindi mo na ito naaalala, kung may naaalala ka man, pa ilan-ilan lang. Pero ang katotohanan mula ng isinilang ka, ikaw lang tanging inintindi nila.

Noong bata pa ako, mga walong taong gulang, pagkatapos namin kumain ng hapunan, nakaugalian kong matulog agad sa sofa. Pagkatapos noon ay naaalala kong binubuhat na ako ng aking ina papunta sa aking malambot na kama. Minsan naman eh talagang nakakatulugan ko lang ang paglalaro kaya kung saan saan ako nakakatulog gaya na lamang sa hagdanan, sa upuan o sa sahig katabi ng aking mga laruan.

Naaalala ko rin na kapag nadapa ako o kaya napa away,  naaalala kong sa aking pag iyak binubuhat ako ng aking ina para ako ay patahanin. Naalala kong tumutulo ang aking mga luha pati na ang aking sipon sa kanyang mga balikat. At habang kanyang pinapahiran ang luha sa aking mga mata, patuloy niya akong pinapatahan at pinapaypayan. Kapag basa naman ang aking likod, lalagyan niya ako ng malambot na puting sapin sa likuran at pupulbusan. Naalala ko kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag may malambot na sapin sa aking likuran. Alam ko na tuwing ako ay nasa kanyang mga braso, panatag ang loob ko. Ganoon niya ako inalagaan, ganon niya ako minahal.


Sa aking pagtanda ngayon, hindi ko na sila palaging nakakasama , malayo ang aking ina. May mga panahon na sa loob ng isang buwan, ni hindi ko man lang naririnig ang tinig niya. Oo inaalagaan ko ang ibang tao, pero ang sarili kong ina, ni hindi ko man lang marinig at maaninag.

Malaking malaki na rin ang pinagbago. Hindi na nila ako pwedeng patahanin sa aking pag iyak. Hindi na rin ako kayang buhatin kung nakatulog man ako sa kung saan. At lalong hindi na rin niya ako pwedeng sapinan sa tuwing basa ang aking likuran.

Bumuhos ang luha ko. Naramdaman kong muli ang yakap at haplos ng aking ina kahit wala siya sa aking tabi. Nararamdaman kong muli ang pag aaruga sa akin ng aking ina. Ipinararamdam ito ng Diyos sa akin sa tuwing ako'y nakikipagniig sa kanyang piling. Ang pagmamahal ng Diyos ay tulad ng pagmamahal ng aking ina. Alam ko na sa tuwing ako'y mag isang mahihimlay sa gabing malamig at madilim, panatag ang loob kong ako'y mabuting makahihimlay sapagkat alam kong hawak ako ng Diyos sa kanyang mga braso't mga kamay.

Don't be afraid, for I am with you. Don't be discouraged, for I am your God. I will strengthen you and help you. I will hold you up with my righteous right hand.- Isaiah 41:10

- - -
Be strong and courageous. Do not fear or be in dread of them, for it is the Lord your God who goes with you. He will not leave you or forsake you.” - Deuteronomy 31:6

- - -Casting all your anxieties on him, because he cares for you. - 1 Peter 5:7
- - - 
I am with you always, to the end of the age.” - Matthew 28:20




(Listen to this song and be blessed)

2 comments: