Monday, May 20, 2013

Who is your Master?

How can you say that the Lord is your master when you actually don't obey him? Tinawag mo pa siyang Lord, then ikaw pa din ang masusunod sa buhay mo. I mean yeah you go to your church every Sunday, you attend your support or life group, you pray everyday, you even pray for your church mates but still you continue to live in sin. Nasa kasalanan ka pa rin kapag ikaw na lang mag isa at wala ng nakakakita sa iyo.

Ang kasalanan ay parang isang malalim na sugat. Kapag hinayaan mo lang ang sugat sa isang parte ng katawan mo, tatakpan mo lang para hindi makita at hindi mo ito lilinisin, mabubulok ito at unti unting hahawaan ang kalapit na parte ng katawan mo hanggang sa lumaki at ma impeksyon ka na nito.

Para gumaling ang sugat na iyan, kailangan mong linisin araw-araw, lagyan ng antiseptic at takpan ng malinis na gasa para gumaling agad. Let's put it this way. Si Jesus ang tagapag-linis at ikaw ang may sugat. Dapat lumapit ka sa kanya, sabihin na ikaw ay may sugat at hayaan mong linisin ka niya sa iyong sugat. Kapag ginawa mo iyon, gagaling ka na sa mga sugat mo. Magiging malaya ka na sa kasalanan mo. Pero pag patuloy mo itong itatago, mabubulok at mabubulok ito at kahit kailan hindi ka magiging malaya sa kasalanan na iyan.

The Lord said "Be holy because I am holy." (1 Peter 1:16). Holy means banal. Wow banal! ibig sabihin hindi nagkakasala. Kaya kaya natin yun? Pero hindi naman siguro sasabihin ni Lord yan kung alam niyang hindi natin kaya yan. It's just a matter of self control at pagbababad sa salita ng Diyos.

Naitanong ko na dati sa isang pastor. Para kaseng na guguilty ako noon na kahit alam ko na, na kay God na ako eh nahuhulog pa din ako sa pag gawa ng kasalanan. Simple lang naman ang naging sagot niya. Actually binalikan pala niya ako ng tanong. "Sino ba ang master mo?" Saan ba mas marami kang time? Sa pag seek kay God o sa pleasure ng katawan mo.? Nganga na lang muna for a second.

Then I realized oo nga! sino ba talaga ang master ko? Si Lord nga dapat talaga. So kung si Lord nga, I should obey him in every aspect of my life.  Master nga eh! Lahat ng sinabi niya dapat paniwalaan at gawin ko. Dapat sinusunod ko siya at hindi dinidisobey mula sa pag gising hanggat pag pikit ng mata ko, kapag babad ako sa salita niya eh less ang pag gawa ng kasalanan at more amaze ako sa kabutihan at kayang gawin niya para sakin. Actually nakakahiya nga gumawa ng kasalanan kapag babad ka sa presence niya eh! Mas masarap magpaka alipin kay Jesus kesa sa magpaka alipin sa kasalanan! Yun oh! Try mo!

Ikaw brad? Sino ang master mo? Yung panlinis ba sa mukha na may papaya extract? este Kasalanan pa rin ba? I have a good news for you! Kaya kang patawarin ni God at linisin ka sa mga kasalanan mo. In 1 John 1:9 it says there  "If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness." 

Saturday, May 18, 2013

FEAR NOT!


Merong isang theologian na wala siguro magawa kaya niya naisipan na bilangin kung ilang beses sa Bibliya sinabi ng Diyos na "Fear Not." Pagkakataon o talagang pinahintulutan ng Diyos na maging 365 times binanggit ang "Fear Not!"

Nakakapang lakas lang ng loob na isipin na merong 365 times na sinabi ito ng Diyos. Ibig sabihin sa loob ng isang taon, kapag nangamba tayo eh pwedeng sabihin natin sa sarili natin "Fear Not! For God is with me." tas bukas ulit takot ka na naman,may another fear not ka naman, tas may natitira ka pang 363 na fear not. Bale matatapos ang isang taon mo na hindi ka nangangamba kapag pinanghawakan mo ang sinabi ng Diyos na "Fear Not, for I am with you".

Marami nga siguro tayong mga kinatatakutan, mga simpleng bagay na kapag nag focus tayo sa problema eh lumalaki ito sa ating paningin. Tapos nakakalimutan na natin na meron nga palang Diyos na kayang gawin ang lahat para sa atin.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng dumating akong muli sa Pilipinas. Sa tuwing natutulog ako sa hapon o gabi, lagi akong ginigising ng takot. Pumapasok siya sa panaginip ko. Pinapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam kung saan ako natatakot, basta ginigising niya ako araw araw at hindi na niya ako pinapatulog muli. Hinahayaan niyang dumaloy ito sa dugo ko papunta sa utak ko. Nakakatakot ang mga araw na iyon.

Simula ng magbalik ako sa Diyos, pinawi niya ang lahat ng takot, ang lahat ng lungkot. Simula noon hindi na ako nagising ng dahil sa takot. Wala na siya sa panaginip ko. Payapa na ang loob ko. Sa tuwing binabasa ko ang Bibliya, palaging may pangako ang Diyos. Nakakalakas ng loob, mas naging malakas ako. At alam ko sa pag balik ko sa Amerika, kung may malaking pagsubok man akong kakaharapin. Hindi na ako tulad ng dating takot, dahil alam ko sa puso at isip ko na kasama ko ang Diyos.

JESUS IS ASTIG!
Because He took away all my fears!
Kaya ngayon brad, steady lang ako kung may pagsubok man at ang sarap na kaya matulog sa gabi. :)

"Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you  wherever you go." - Joshua 1:9

"So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous hand. - Isaiah 41:10

"Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more important than food, and the body more important than clothes? Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? - Matthew 6:25-26

Friday, May 17, 2013

PANALANGIN!


  • Naririnig ba ng Diyos ang lahat ng panalangin kahit magsabay sabay pa tayo magdasal?

Oo naman! Hindi naman siya tulad nating tao. Kahit nga hindi mo pa bigkasin ang panalangin mo naririnig niya pa rin. Pano? Bakit? Dahil mahal niya tayo. Tulad ng isang magulang sa anak, alam na niya kung ano ang naisin ng anak kahit hindi pa man niya ito banggitin.
  • Eh paano naman yung dalawang basketball team na nagsasabay ng dasal para manalo? Sino ang pakikinggan niya?

Kung sino ang naniwala na pakikinggan ng Diyos ang dasal nila. Hindi yung nagdasal ng ganto. "Lord sige na panalunin niyo naman kami please, di nyo naman kami pinapanalo eh!" 



Sabi nga sa Book of James 1:6-7 "But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind.That person should not expect to receive anything from the Lord."

  • Eh bakit may mga prayers na hindi dinidinig? Yung parang binato lang sa bubong tas lumaglag ulit sa mukha ko.
Naniniwala pa din ako na lahat ng prayers natin kay God ay lahat tumatagingting na YES!. Kaso hindi pa panahon para ibigay niya ito sa iyo. Tinuturuan din tayo ng Diyos na mag hintay at mag babad sa panalangin. Malay mo nananalangin ka lang kapag may kailangan. Kaya baka gusto lang din ni God na makipag usap ka lagi sa kanya kaya di niya pa binibigay. Baka nga pag nakuha mo na eh di ka pa mag pasalamat sa kanya. Isa pa, baka naman mali ang mga intensyon natin kaya gusto natin ang isang bagay? Lord pa I-phone 5 ka naman! At panalunin mo ko lotto! Lord pa-pogiin mo naman ako para dami chicks!

When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives, that you may spend what you get on your pleasures.- Book of James 4:3


PRAY LANG NG PRAY MGA BROTHERS! Huwag yung kung may kailangan lang at pag may time. The new saying "pag may time" should not apply when it comes to prayer. It should be pray all the time not pray pray din pag may time. (1 Thessalonians 5:17)

Monday, May 6, 2013

Too Much Bakit

(photo credit www. nedarc.org)
Sometimes I ask God like there's no tomorrow. Too many questions. Too many bakits! Lord bakit ganto? bakit ganyan? bakit ginawa mo tong ganto? bakit hindi ganyan?

Ito ang ilan sa mga tanong na talaga nga namang bumagabag sa akin noon.

1. Naitanong ko na minsan sa sarili ko kung bakit niya hinayaan ang tao na magkasala. Total Diyos naman siya, bakit hindi niya kinontrol si Eva at Adan na wag magkasala?

2. Bakit niya hinahayaan ang ibang tao na magkaroon ng cancer at sobrang maghirap sa sakit na ito kung Diyos siya ng pag-ibig?

3. Bakit hindi lahat ng tao ay maliligtas?

4.  Bakit hindi lahat ng prayers ko sinasagot? bakit hinahayaan niyong ganto ang mangyari sa buhay ko?

Upon reading the Bible isa isang nasagot ang mga tanong ko na iyan. Hindi naman kase talaga tama na puro lang tanong ng tanong dapat basa basa din ng Bible para masagot ang mga katanungan. Hindi ko na ishishare kung ano ang mga sagot sa bakit kong yan kase baka ako naman din ang tanungin niyo kung bakit nagkaganto ganon. Baka hindi ko din masagot kaya pinaka general na answer na lang ang sasabihin ko.

Ang utak at isip natin ay limitado. We are not God. We are just a human being created by God. Kahit sino pa ang pinakamatalino sa mundong ibabaw sobrang limitado pa rin ng utak niya. Ibig sabihin sa lahat ng bakit ko kay God, kahit anong kaka bakit ko hindi ko maiintindihan lahat ng nasa isip niya, kung masagot man siya sa pagbabasa ng Bibliya - nag lelead pa rin yung sa mga susunod na tanong na bakit.

At dahil sa hindi ko na nga masagot kung bakit. That leads me to worship him more, to put my trust on him alone. Isipin mo brad, kung kaya kong isipin at basahin ang nasa isip ng Diyos tingin mo ba i woworship ko pa rin siya? Kung magkapantay lang kami ng utak baka nga di ko na siya pansinin. Baka magtayo ako ng sarili kong relihiyon, edi kung kaya kong basahin ang isip niya edi sana ako na lang ang Diyos. Pero hindi, dahil limited ang utak ko hindi ko talaga kayang sagutin ang mga bakit na yan. Kaya pag napapa isip ako ng tanong na di ko masagot lalo akong namamangha sa greatness ng Diyos.

“For my thoughts are not your thoughts,

    neither are your ways my ways,”
declares the Lord.
“As the heavens are higher than the earth,
    so are my ways higher than your ways
    and my thoughts than your thoughts.
- Book of Isaiah 55:8-9 


Kaya sa mga tanong mong bakit? That's too much of a bakit! Bakit hindi mo na lang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat? He knows everything brotha!

Friday, May 3, 2013

Bakit ako hindi boboto?

Sinulat ko noon sa dating kong blog kung bakit wala akong tiwala sa botohan, lalo na sa presidential election. Simple lang naman ang naging rason. Pagsama-samahin mo lahat ng boto na napunta sa mga natalong kandidato, mas marami ang boto sa natalo kesa sa boto ng nanalo. Ibig sabihin mas maraming pilipinong botante ang natalo, na hindi nila gusto ang kung sino ang nanalo. Paano naman kase hindi tulad sa ibang mauunlad na bansa, dalawa lang ang tumatakbo sa isang posisyon, ibig sabihin kita mo agad kung sino ang talagang napulsuhan ng madlang people. Dito sangkatutak ang mga kandidato. Watak watak ang boto.

Bakit ako hindi boboto? Dahil sa mali kong paniniwala. Dahil sa naging pabayang mamamayan ako ng bansang Pilipinas. Dahil sa hindi ako nag focus sa kung ano ang kayang ika-unlad ng bansa natin at dahil nag focus ako sa kung ano lang ang pangit sa bansang ito. Nagkamali ako. Isang malaking pagkakamali. Isang malaking pagkakamali na hindi ko ipinanalangin ang ikakaunlad ng bansang ito, na nakalimutan kong kayang baguhin ng Diyos ang bansang ito.

Taong 2007 ako unang nag pa rehistro, hindi ko nakuha ang voters id ko dala na rin ng kapabayaan at nung botohan na, wala ako sa bansa para bumoto (pero hindi naman talaga excuse yun kung responsableng mamamayan talaga ako).

 Sinubukan kong kunin ang voters id ko kanina (nagtangkang mag bagong buhay). Expired na raw! Hindi pa rin ako pwedeng bomoto dahil hindi naman ako ulit nagpa rehistro. Hindi pala talaga ang responsableng mamamayan.

Kagabi, umattend ako sa worship and prayer night ng church. Pinag pray ng church ang darating na eleksyon at ang bansa. Pinataas ng pastor ang kamay ng mga boboto. Para kong binuhusan ng malamig na tubig dahil ako lang ata ang nakita kong hindi nag taas ng kamay. Ako lang ang hindi responsableng mamamayang kristyano. Nakakahiya.

Be a good citizen. All governments are under God. Insofar as there is peace and order, it's God's order. So live responsibly as a citizen. If you're irresponsible to the state, then you're irresponsible with God, and God will hold you responsible - Romans 13:1-2 

Oouuccchhhhhh! Sapul na sapul ako sa Bible verse na ito ah. 


Bakit ako hindi boboto? Dahil nagkamali ako. Pwede pa naman siguro magbago. Hindi pa tapos. Makakaboto rin ako sa takdang panahon.