Ang kasalanan ay parang isang malalim na sugat. Kapag hinayaan mo lang ang sugat sa isang parte ng katawan mo, tatakpan mo lang para hindi makita at hindi mo ito lilinisin, mabubulok ito at unti unting hahawaan ang kalapit na parte ng katawan mo hanggang sa lumaki at ma impeksyon ka na nito.
Para gumaling ang sugat na iyan, kailangan mong linisin araw-araw, lagyan ng antiseptic at takpan ng malinis na gasa para gumaling agad. Let's put it this way. Si Jesus ang tagapag-linis at ikaw ang may sugat. Dapat lumapit ka sa kanya, sabihin na ikaw ay may sugat at hayaan mong linisin ka niya sa iyong sugat. Kapag ginawa mo iyon, gagaling ka na sa mga sugat mo. Magiging malaya ka na sa kasalanan mo. Pero pag patuloy mo itong itatago, mabubulok at mabubulok ito at kahit kailan hindi ka magiging malaya sa kasalanan na iyan.
The Lord said "Be holy because I am holy." (1 Peter 1:16). Holy means banal. Wow banal! ibig sabihin hindi nagkakasala. Kaya kaya natin yun? Pero hindi naman siguro sasabihin ni Lord yan kung alam niyang hindi natin kaya yan. It's just a matter of self control at pagbababad sa salita ng Diyos.
Naitanong ko na dati sa isang pastor. Para kaseng na guguilty ako noon na kahit alam ko na, na kay God na ako eh nahuhulog pa din ako sa pag gawa ng kasalanan. Simple lang naman ang naging sagot niya. Actually binalikan pala niya ako ng tanong. "Sino ba ang master mo?" Saan ba mas marami kang time? Sa pag seek kay God o sa pleasure ng katawan mo.? Nganga na lang muna for a second.
Then I realized oo nga! sino ba talaga ang master ko? Si Lord nga dapat talaga. So kung si Lord nga, I should obey him in every aspect of my life. Master nga eh! Lahat ng sinabi niya dapat paniwalaan at gawin ko. Dapat sinusunod ko siya at hindi dinidisobey mula sa pag gising hanggat pag pikit ng mata ko, kapag babad ako sa salita niya eh less ang pag gawa ng kasalanan at more amaze ako sa kabutihan at kayang gawin niya para sakin. Actually nakakahiya nga gumawa ng kasalanan kapag babad ka sa presence niya eh! Mas masarap magpaka alipin kay Jesus kesa sa magpaka alipin sa kasalanan! Yun oh! Try mo!
Ikaw brad? Sino ang master mo?
No comments:
Post a Comment