(photo credit www. nedarc.org) |
Ito ang ilan sa mga tanong na talaga nga namang bumagabag sa akin noon.
1. Naitanong ko na minsan sa sarili ko kung bakit niya hinayaan ang tao na magkasala. Total Diyos naman siya, bakit hindi niya kinontrol si Eva at Adan na wag magkasala?
2. Bakit niya hinahayaan ang ibang tao na magkaroon ng cancer at sobrang maghirap sa sakit na ito kung Diyos siya ng pag-ibig?
3. Bakit hindi lahat ng tao ay maliligtas?
4. Bakit hindi lahat ng prayers ko sinasagot? bakit hinahayaan niyong ganto ang mangyari sa buhay ko?
Upon reading the Bible isa isang nasagot ang mga tanong ko na iyan. Hindi naman kase talaga tama na puro lang tanong ng tanong dapat basa basa din ng Bible para masagot ang mga katanungan. Hindi ko na ishishare kung ano ang mga sagot sa bakit kong yan kase baka ako naman din ang tanungin niyo kung bakit nagkaganto ganon. Baka hindi ko din masagot kaya pinaka general na answer na lang ang sasabihin ko.
Ang utak at isip natin ay limitado. We are not God. We are just a human being created by God. Kahit sino pa ang pinakamatalino sa mundong ibabaw sobrang limitado pa rin ng utak niya. Ibig sabihin sa lahat ng bakit ko kay God, kahit anong kaka bakit ko hindi ko maiintindihan lahat ng nasa isip niya, kung masagot man siya sa pagbabasa ng Bibliya - nag lelead pa rin yung sa mga susunod na tanong na bakit.
At dahil sa hindi ko na nga masagot kung bakit. That leads me to worship him more, to put my trust on him alone. Isipin mo brad, kung kaya kong isipin at basahin ang nasa isip ng Diyos tingin mo ba i woworship ko pa rin siya? Kung magkapantay lang kami ng utak baka nga di ko na siya pansinin. Baka magtayo ako ng sarili kong relihiyon, edi kung kaya kong basahin ang isip niya edi sana ako na lang ang Diyos. Pero hindi, dahil limited ang utak ko hindi ko talaga kayang sagutin ang mga bakit na yan. Kaya pag napapa isip ako ng tanong na di ko masagot lalo akong namamangha sa greatness ng Diyos.
“For my thoughts are not your thoughts,
neither are your ways my ways,”
declares the Lord.
9 “As the heavens are higher than the earth,
so are my ways higher than your ways
and my thoughts than your thoughts.
- Book of Isaiah 55:8-9
Kaya sa mga tanong mong bakit? That's too much of a bakit! Bakit hindi mo na lang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat? He knows everything brotha!
Andami ko ding tanong kay God pero nirereserve ko yun laht para sa pagkikita namin :)
ReplyDelete