- Naririnig ba ng Diyos ang lahat ng panalangin kahit magsabay sabay pa tayo magdasal?
Oo naman! Hindi naman siya tulad nating tao. Kahit nga hindi mo pa bigkasin ang panalangin mo naririnig niya pa rin. Pano? Bakit? Dahil mahal niya tayo. Tulad ng isang magulang sa anak, alam na niya kung ano ang naisin ng anak kahit hindi pa man niya ito banggitin.
- Eh paano naman yung dalawang basketball team na nagsasabay ng dasal para manalo? Sino ang pakikinggan niya?
Kung sino ang naniwala na pakikinggan ng Diyos ang dasal nila. Hindi yung nagdasal ng ganto. "Lord sige na panalunin niyo naman kami please, di nyo naman kami pinapanalo eh!"
- Eh bakit may mga prayers na hindi dinidinig? Yung parang binato lang sa bubong tas lumaglag ulit sa mukha ko.
Naniniwala pa din ako na lahat ng prayers natin kay God ay lahat tumatagingting na YES!. Kaso hindi pa panahon para ibigay niya ito sa iyo. Tinuturuan din tayo ng Diyos na mag hintay at mag babad sa panalangin. Malay mo nananalangin ka lang kapag may kailangan. Kaya baka gusto lang din ni God na makipag usap ka lagi sa kanya kaya di niya pa binibigay. Baka nga pag nakuha mo na eh di ka pa mag pasalamat sa kanya. Isa pa, baka naman mali ang mga intensyon natin kaya gusto natin ang isang bagay? Lord pa I-phone 5 ka naman! At panalunin mo ko lotto! Lord pa-pogiin mo naman ako para dami chicks!
When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives, that you may spend what you get on your pleasures.- Book of James 4:3
PRAY LANG NG PRAY MGA BROTHERS! Huwag yung kung may kailangan lang at pag may time. The new saying "pag may time" should not apply when it comes to prayer. It should be pray all the time not pray pray din pag may time. (1 Thessalonians 5:17)
When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives, that you may spend what you get on your pleasures.- Book of James 4:3
ayos,,minsan lang ako mag basa pero nagustuhan at sumang ayon ang isip ko at kalooban sa mga payo,,hayy, sino ba naman ang di mag hahangad ng kapayapaan dito sa sanlibutan,,pero ganun talaga kaya lahat tayoy siya ang ini intay nating lahat sa kanyang pag babalik at habang nag hihintay at nag hahanda tayo sa kanyang pag babalik sanay, makapag tiyaga pa tayo sa mga nararanasan nating pagsubok dito sa san libutan,,Amen,,
ReplyDelete