Friday, May 3, 2013

Bakit ako hindi boboto?

Sinulat ko noon sa dating kong blog kung bakit wala akong tiwala sa botohan, lalo na sa presidential election. Simple lang naman ang naging rason. Pagsama-samahin mo lahat ng boto na napunta sa mga natalong kandidato, mas marami ang boto sa natalo kesa sa boto ng nanalo. Ibig sabihin mas maraming pilipinong botante ang natalo, na hindi nila gusto ang kung sino ang nanalo. Paano naman kase hindi tulad sa ibang mauunlad na bansa, dalawa lang ang tumatakbo sa isang posisyon, ibig sabihin kita mo agad kung sino ang talagang napulsuhan ng madlang people. Dito sangkatutak ang mga kandidato. Watak watak ang boto.

Bakit ako hindi boboto? Dahil sa mali kong paniniwala. Dahil sa naging pabayang mamamayan ako ng bansang Pilipinas. Dahil sa hindi ako nag focus sa kung ano ang kayang ika-unlad ng bansa natin at dahil nag focus ako sa kung ano lang ang pangit sa bansang ito. Nagkamali ako. Isang malaking pagkakamali. Isang malaking pagkakamali na hindi ko ipinanalangin ang ikakaunlad ng bansang ito, na nakalimutan kong kayang baguhin ng Diyos ang bansang ito.

Taong 2007 ako unang nag pa rehistro, hindi ko nakuha ang voters id ko dala na rin ng kapabayaan at nung botohan na, wala ako sa bansa para bumoto (pero hindi naman talaga excuse yun kung responsableng mamamayan talaga ako).

 Sinubukan kong kunin ang voters id ko kanina (nagtangkang mag bagong buhay). Expired na raw! Hindi pa rin ako pwedeng bomoto dahil hindi naman ako ulit nagpa rehistro. Hindi pala talaga ang responsableng mamamayan.

Kagabi, umattend ako sa worship and prayer night ng church. Pinag pray ng church ang darating na eleksyon at ang bansa. Pinataas ng pastor ang kamay ng mga boboto. Para kong binuhusan ng malamig na tubig dahil ako lang ata ang nakita kong hindi nag taas ng kamay. Ako lang ang hindi responsableng mamamayang kristyano. Nakakahiya.

Be a good citizen. All governments are under God. Insofar as there is peace and order, it's God's order. So live responsibly as a citizen. If you're irresponsible to the state, then you're irresponsible with God, and God will hold you responsible - Romans 13:1-2 

Oouuccchhhhhh! Sapul na sapul ako sa Bible verse na ito ah. 


Bakit ako hindi boboto? Dahil nagkamali ako. Pwede pa naman siguro magbago. Hindi pa tapos. Makakaboto rin ako sa takdang panahon.

No comments:

Post a Comment