Thursday, June 6, 2013

I am Weak.

Minsan iniisip natin na kaya nating gawin ang lahat ng bagay. Lalo na kapag nag papasikat ka sa isang tao. Halimbawa sa minamahal, sa crush o sa kinaiinisan mo. Kala mo parang ikaw si Superman na kayang lumipad ng naka brief  sa himpapawid.

Ganyan tayong mga tao. Gusto natin tayo lagi ang ang highest sa lahat ng exam, ang pinakamagaling sa trabaho, yung number 1 number 1, yung tayo lang dapat ang magaling, ang sikat, ang superhero. Nagmamagaling tayo masiyado, hindi natin kayang aminin ang ating kahinaan.

Kaya napahanga nga ako sa kanta ni Yeng Constantino na "Messiah". May lyrics doon na sinasabi na,
"Sasagipin kita
Kung kaya ko lang sana
Pero di ako Messiah!
Pero di ako Messiah!"


Accidentally na transfer yang kanta sa Ipod ko so bale ngayon na LSS na ako (pakinggan niyo rin). Anyhow inihaw, humanga lang ako kase sa kantang yan sinasabi niya na hindi siya Messiah (Savior), ibig sabihin hindi niya kaya gawin ang lahat ng bagay. Gusto man niyang may gawin para sa isang tao pero hindi niya kaya. Edi kung kaya niya lang sana si Yeng na lang yung pinako sa krus para ma save yung mga gusto niyang isave. Meron someone bigger na kayang gumawa ng bagay na iyon para sa ikaliligtas ng tao.

Minsan maganda rin na aminin natin ang ating mga kahinaan. Hindi naman tayo laging malakas. Masarap sa pakiramdam na aminin sa Diyos na mahina tayo at kailangan natin siya para maging malakas tayo. Paano nga naman tayo tutulungan ni Jesus kung di naman natin hinihingi ang tulong niya at pilit nating pinapaniwala ang sarili natin na kaya natin gawin ang lahat ng bagay ng wala siya?

But he said to me, “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness. Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ’s power may rest on me.  That is why, for Christ’s sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong. 2 Corinthians 12:9-10

Kaya brad kung tingin mo eh malakas ka at di mo na kailangan ng Messiah. Ang masasabi ko lang eh mahina ka dahil hindi mo kaya aminin ang kahinaan mo. JESUS is ASTIG because of Him I can do all things (not this thing but ALL things) kase He gives me strength (Philippians 4:13). At iba ang strength na nanggagaling kay JESUS. Hindi strength na pang sports lang, pampamilya pa (ting!)

No comments:

Post a Comment