Saturday, May 18, 2013

FEAR NOT!


Merong isang theologian na wala siguro magawa kaya niya naisipan na bilangin kung ilang beses sa Bibliya sinabi ng Diyos na "Fear Not." Pagkakataon o talagang pinahintulutan ng Diyos na maging 365 times binanggit ang "Fear Not!"

Nakakapang lakas lang ng loob na isipin na merong 365 times na sinabi ito ng Diyos. Ibig sabihin sa loob ng isang taon, kapag nangamba tayo eh pwedeng sabihin natin sa sarili natin "Fear Not! For God is with me." tas bukas ulit takot ka na naman,may another fear not ka naman, tas may natitira ka pang 363 na fear not. Bale matatapos ang isang taon mo na hindi ka nangangamba kapag pinanghawakan mo ang sinabi ng Diyos na "Fear Not, for I am with you".

Marami nga siguro tayong mga kinatatakutan, mga simpleng bagay na kapag nag focus tayo sa problema eh lumalaki ito sa ating paningin. Tapos nakakalimutan na natin na meron nga palang Diyos na kayang gawin ang lahat para sa atin.

Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng dumating akong muli sa Pilipinas. Sa tuwing natutulog ako sa hapon o gabi, lagi akong ginigising ng takot. Pumapasok siya sa panaginip ko. Pinapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam kung saan ako natatakot, basta ginigising niya ako araw araw at hindi na niya ako pinapatulog muli. Hinahayaan niyang dumaloy ito sa dugo ko papunta sa utak ko. Nakakatakot ang mga araw na iyon.

Simula ng magbalik ako sa Diyos, pinawi niya ang lahat ng takot, ang lahat ng lungkot. Simula noon hindi na ako nagising ng dahil sa takot. Wala na siya sa panaginip ko. Payapa na ang loob ko. Sa tuwing binabasa ko ang Bibliya, palaging may pangako ang Diyos. Nakakalakas ng loob, mas naging malakas ako. At alam ko sa pag balik ko sa Amerika, kung may malaking pagsubok man akong kakaharapin. Hindi na ako tulad ng dating takot, dahil alam ko sa puso at isip ko na kasama ko ang Diyos.

JESUS IS ASTIG!
Because He took away all my fears!
Kaya ngayon brad, steady lang ako kung may pagsubok man at ang sarap na kaya matulog sa gabi. :)

"Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you  wherever you go." - Joshua 1:9

"So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous hand. - Isaiah 41:10

"Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more important than food, and the body more important than clothes? Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? - Matthew 6:25-26

Friday, May 17, 2013

PANALANGIN!


  • Naririnig ba ng Diyos ang lahat ng panalangin kahit magsabay sabay pa tayo magdasal?

Oo naman! Hindi naman siya tulad nating tao. Kahit nga hindi mo pa bigkasin ang panalangin mo naririnig niya pa rin. Pano? Bakit? Dahil mahal niya tayo. Tulad ng isang magulang sa anak, alam na niya kung ano ang naisin ng anak kahit hindi pa man niya ito banggitin.
  • Eh paano naman yung dalawang basketball team na nagsasabay ng dasal para manalo? Sino ang pakikinggan niya?

Kung sino ang naniwala na pakikinggan ng Diyos ang dasal nila. Hindi yung nagdasal ng ganto. "Lord sige na panalunin niyo naman kami please, di nyo naman kami pinapanalo eh!" 



Sabi nga sa Book of James 1:6-7 "But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind.That person should not expect to receive anything from the Lord."

  • Eh bakit may mga prayers na hindi dinidinig? Yung parang binato lang sa bubong tas lumaglag ulit sa mukha ko.
Naniniwala pa din ako na lahat ng prayers natin kay God ay lahat tumatagingting na YES!. Kaso hindi pa panahon para ibigay niya ito sa iyo. Tinuturuan din tayo ng Diyos na mag hintay at mag babad sa panalangin. Malay mo nananalangin ka lang kapag may kailangan. Kaya baka gusto lang din ni God na makipag usap ka lagi sa kanya kaya di niya pa binibigay. Baka nga pag nakuha mo na eh di ka pa mag pasalamat sa kanya. Isa pa, baka naman mali ang mga intensyon natin kaya gusto natin ang isang bagay? Lord pa I-phone 5 ka naman! At panalunin mo ko lotto! Lord pa-pogiin mo naman ako para dami chicks!

When you ask, you do not receive, because you ask with wrong motives, that you may spend what you get on your pleasures.- Book of James 4:3


PRAY LANG NG PRAY MGA BROTHERS! Huwag yung kung may kailangan lang at pag may time. The new saying "pag may time" should not apply when it comes to prayer. It should be pray all the time not pray pray din pag may time. (1 Thessalonians 5:17)

Monday, May 6, 2013

Too Much Bakit

(photo credit www. nedarc.org)
Sometimes I ask God like there's no tomorrow. Too many questions. Too many bakits! Lord bakit ganto? bakit ganyan? bakit ginawa mo tong ganto? bakit hindi ganyan?

Ito ang ilan sa mga tanong na talaga nga namang bumagabag sa akin noon.

1. Naitanong ko na minsan sa sarili ko kung bakit niya hinayaan ang tao na magkasala. Total Diyos naman siya, bakit hindi niya kinontrol si Eva at Adan na wag magkasala?

2. Bakit niya hinahayaan ang ibang tao na magkaroon ng cancer at sobrang maghirap sa sakit na ito kung Diyos siya ng pag-ibig?

3. Bakit hindi lahat ng tao ay maliligtas?

4.  Bakit hindi lahat ng prayers ko sinasagot? bakit hinahayaan niyong ganto ang mangyari sa buhay ko?

Upon reading the Bible isa isang nasagot ang mga tanong ko na iyan. Hindi naman kase talaga tama na puro lang tanong ng tanong dapat basa basa din ng Bible para masagot ang mga katanungan. Hindi ko na ishishare kung ano ang mga sagot sa bakit kong yan kase baka ako naman din ang tanungin niyo kung bakit nagkaganto ganon. Baka hindi ko din masagot kaya pinaka general na answer na lang ang sasabihin ko.

Ang utak at isip natin ay limitado. We are not God. We are just a human being created by God. Kahit sino pa ang pinakamatalino sa mundong ibabaw sobrang limitado pa rin ng utak niya. Ibig sabihin sa lahat ng bakit ko kay God, kahit anong kaka bakit ko hindi ko maiintindihan lahat ng nasa isip niya, kung masagot man siya sa pagbabasa ng Bibliya - nag lelead pa rin yung sa mga susunod na tanong na bakit.

At dahil sa hindi ko na nga masagot kung bakit. That leads me to worship him more, to put my trust on him alone. Isipin mo brad, kung kaya kong isipin at basahin ang nasa isip ng Diyos tingin mo ba i woworship ko pa rin siya? Kung magkapantay lang kami ng utak baka nga di ko na siya pansinin. Baka magtayo ako ng sarili kong relihiyon, edi kung kaya kong basahin ang isip niya edi sana ako na lang ang Diyos. Pero hindi, dahil limited ang utak ko hindi ko talaga kayang sagutin ang mga bakit na yan. Kaya pag napapa isip ako ng tanong na di ko masagot lalo akong namamangha sa greatness ng Diyos.

“For my thoughts are not your thoughts,

    neither are your ways my ways,”
declares the Lord.
9 “As the heavens are higher than the earth,
    so are my ways higher than your ways
    and my thoughts than your thoughts.
- Book of Isaiah 55:8-9 


Kaya sa mga tanong mong bakit? That's too much of a bakit! Bakit hindi mo na lang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat? He knows everything brotha!

Friday, May 3, 2013

Bakit ako hindi boboto?

Sinulat ko noon sa dating kong blog kung bakit wala akong tiwala sa botohan, lalo na sa presidential election. Simple lang naman ang naging rason. Pagsama-samahin mo lahat ng boto na napunta sa mga natalong kandidato, mas marami ang boto sa natalo kesa sa boto ng nanalo. Ibig sabihin mas maraming pilipinong botante ang natalo, na hindi nila gusto ang kung sino ang nanalo. Paano naman kase hindi tulad sa ibang mauunlad na bansa, dalawa lang ang tumatakbo sa isang posisyon, ibig sabihin kita mo agad kung sino ang talagang napulsuhan ng madlang people. Dito sangkatutak ang mga kandidato. Watak watak ang boto.

Bakit ako hindi boboto? Dahil sa mali kong paniniwala. Dahil sa naging pabayang mamamayan ako ng bansang Pilipinas. Dahil sa hindi ako nag focus sa kung ano ang kayang ika-unlad ng bansa natin at dahil nag focus ako sa kung ano lang ang pangit sa bansang ito. Nagkamali ako. Isang malaking pagkakamali. Isang malaking pagkakamali na hindi ko ipinanalangin ang ikakaunlad ng bansang ito, na nakalimutan kong kayang baguhin ng Diyos ang bansang ito.

Taong 2007 ako unang nag pa rehistro, hindi ko nakuha ang voters id ko dala na rin ng kapabayaan at nung botohan na, wala ako sa bansa para bumoto (pero hindi naman talaga excuse yun kung responsableng mamamayan talaga ako).

 Sinubukan kong kunin ang voters id ko kanina (nagtangkang mag bagong buhay). Expired na raw! Hindi pa rin ako pwedeng bomoto dahil hindi naman ako ulit nagpa rehistro. Hindi pala talaga ang responsableng mamamayan.

Kagabi, umattend ako sa worship and prayer night ng church. Pinag pray ng church ang darating na eleksyon at ang bansa. Pinataas ng pastor ang kamay ng mga boboto. Para kong binuhusan ng malamig na tubig dahil ako lang ata ang nakita kong hindi nag taas ng kamay. Ako lang ang hindi responsableng mamamayang kristyano. Nakakahiya.

Be a good citizen. All governments are under God. Insofar as there is peace and order, it's God's order. So live responsibly as a citizen. If you're irresponsible to the state, then you're irresponsible with God, and God will hold you responsible - Romans 13:1-2 

Oouuccchhhhhh! Sapul na sapul ako sa Bible verse na ito ah. 


Bakit ako hindi boboto? Dahil nagkamali ako. Pwede pa naman siguro magbago. Hindi pa tapos. Makakaboto rin ako sa takdang panahon.

Saturday, April 27, 2013

Water into Wine


Umagang umaga kanina, I woke up with a text message from a friend, asking where in the Bible he can find that Jesus said "Hindi masamang uminom ng alak." Sabi ko "meron ba nun"? Sabi niya "Oo sinabi mo sakin dati yun."

Wala naman sinabi si Jesus na ganun, ang sinabi ko sa kanya ay itong verse na ito. Sayings of King Lemuel lang in the book of Proverbs 31:6-7 "Give beer to those who are perishing , wine to those who are in anguish; let them drink and forget their poverty and remember their misery no more." Again, hindi si Jesus Christ ang nagsabi niyan. Pero ang sarap na rin pang hawak na Bible verse para sa mga manginginom diyan.

Kung ako ang tatanungin kung masama ba ang uminom. Sa palagay ko lang hindi naman, lalo na kung tubig lang ito. Kidding aside, ayos lang naman ang pag inom, yung sakto lang, tipong mabasa lang dulo ng labi mo. Haha! di naman ayos na yung tipong di ka nagsusuka sa kung saan saang lababo at hindi gumagapang pauwi na sabog ang mukha.

Tsaka ayos lang naman siguro talaga kase Jesus changes water to wine pa nga sa kasalan ( John 2:1-11). So umattend si Jesus sa kasalan, tapos kinausap siya ni ermat niya na wala nang wine ang kinasal. Parang ganto ang nangyari doon eh;

Mary (Ermat ni Jesus): Son, they have no more wine.
Jesus: Ermat naman eh! Why do you involve me in this? Di naman ako ang wedding coordinator at lalong hindi ako ang kinasal. Hindi ko na problema yan.

Erase! Erase! Hindi ganyan ang nangyari dun. Sabi niya lang in verse 4,"Dear woman, why do you involve me?" Jesus replied "My time has not yet to come." Oh di ba kung si Jesus ang tatanungin ayaw niya ma involve sa mga wine wine na yan. Hahaha!

Pero seryoso hindi naman talaga masama ang uminom ng alak. Ang masama yung sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas, nagiinom ka. Sobra naman yan brad! Alam mo naman na lahat ng sobra sa katawan masama. Ma share ko lang praise God! siguro more than 1 year na rin akong hindi umiinom ng beer o ng kahit anong alak, 1 year na rin akong hindi nalalasing! Wohooooo!!

Astig pa rin si Jesus noh? Kahit ayaw niyang gumawa sana ng miracle pa, gumawa na siya just to show his love and care para sa bisita sa kasal at ginawa niya yun para pag bigyan ang kahilingan ni ermat niya. Ganun niya tayo kamahal brad! Sobrang astig niya!

Wednesday, April 10, 2013

Hala siya!

Two sems ago may kaklase akong palaging nagmamadali sa 8am - 12 pm class namin. Itago na lang natin siya sa pangalang ex-classmate. Kapag pumapalo na ng 11:30am ang oras, lumilipad na ang isip niya kahit buong buhay pa ang pagtuturo ng propesor namin. Para bang kating kati na siya niyan umalis ng classroom at kapag nakalabas nagkukumahog sa pag baba ng hagdan. Noong una hindi ko alam kung bakit.

Hindi naman ganoon katagal magturo ang prof na yun, kadalasan 11 am natatapos ang klase niya. Isang beses napasarap ata ang pagtuturo niya, umabot ata kami ng 11:45 am. Sinumpong talaga ang kaklase kong yun, kung pwede lang siyang sumigaw ng "tama na! bukas naman" eh gagawin niya.

Nitong nakaraang sem naman, sa ala-una ng hapon kong klase, dahil sa kailangan kong pumunta ng maaga sa school para may ipasa doon sa isang prof, nakasabay ko si ex-classmate na laging nag mamadali kapag pumalo na ng 11:30 am ang oras. 11 am nun, magkasabay kami sa jeep sa kahabaan ng trapik sa Recto. Napansin kong napapa "Juskopo sabay iling ng ulo siya tuwing humihinto ang dyip sa trapik" Edi kinausap ko siya . . .

Ako: Kamusta? Ang trapik no!
Siya: Okay naman! Oo nga nakakainis yung traffic!
Ako: Anong oras klase mo?
Siya: 1 pm pa naman.
Ako: Maaga pa ah.
Siya: Umaalis talaga ako ng maaga lagi.
Ako: Ah ganon ba.

Nakarating na nga kami sa school, ambilis niya magkalad. Hindi ko na alam san siya pumunta, pero ako pumunta ako sa prof ko para mag pasa ng requirements. 11:45 am pagkapasa ko, nagutom na ako, pumunta na ako sa canteen, para tumambay at palipas oras para kumain. Lo and behold, si ex-classmate tutok na tutok sa harapan ng telebisyon sa canteen. Bumibicareful with my heart  at sumisir chief pala!

Ako: Huy!!!
Siya: Oyy!
Ako: Kumain ka na?
Siya: Di pa, pagtapos na nito.
Ako: Hala siya!

Noon ko lang naintindihan kung bakit siya nagkakaganon at noon ko lang din naintindihan kung bakit maraming tao sa canteen kapag ganong oras at mabagal ang serving (nanonood din ang kahera etc.)
Ngayon dahil sa bakasyon, yung kapatid ko at pinsan kong babae sa tuwing tinatawag ng "Kakain na!" Eh napapa kunot ang noo kapag hindi pa tapos ang "Be Careful with my heart". Kaya naman sinet na namin ang lunch time sa mas maagang oras, aba ambilis bilis naman namin kumain at bilis nilang maghugas ng pinggan ngayon"

Okay naman ang "Be Careful with my Heart" kakaiba sa ibang teleserye na may mga tumatambling, lumilipad na tao, nagsasalitang mga hayop, sabunutan, sampalan, patayan etc. Dito parang sobrang relax lang.

Isingit ko lang to bigla, dahil alam natin kung gaano ka astig si JESUS, hindi natin siya pwedeng sabihan ng "Be Care with my Heart Jesus" because he will do more than take care. He heals the brokenhearted and bandages their wounds pa nga eh. (Psalm 147:3) Hindi niya tayo sasaktan! Sobrang labs niya kaya tayo.
Nawala na ata ako sa topic. Haha! Anyhow, inihaw, para sa mga adik diyan sa "Be Careful with my Heart". Mas masarap mag adik kay Jesus. Try niyo. Hahaha!

Friday, March 29, 2013

What if Jesus Didn't Rose Again?

Paano kung hindi nga talaga siya nabuhay? Paano kung after 3 days nandun pa din yung katawan niya sa tomb at lumipas ang ilang araw, ilang buwan, ilang taon, umaraw, umulan, nag-ondoy, na-agnas, inuod na~ tapos nandun pa din yung katawan niya - eh wala!talagang deads na siya! Eh di naging joke na lang ang lahat. Joke na lang yung sinabi niya na "Destroy this temple, and I will raise it again in three days."

Kung na deads na talaga siya, sayang ang mga katuruan. Tuwing binabasa ko nga ang Bibliya talagang napapa wow + kilabutan + kilig talaga ako sa mga katuruan niya. Try mo kiligin kay Lord, ansarap :"). Going back, balik sa topic! Ayun eh di kung di siya nabuhay sayang ang katuruan niya na "kapag sinampal ka sa pisngi, iharap mo pa ang kabilang pisngi! at kapag kinuha sa iyo ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong damit! Kung sinunod mo ang katuruan niyang yan at di naman siya nabuhay. Nganga ka ngayon, loser na loser ang datingan.

Pero hindi eh! Nabuhay siya pagkatapos ng tatlong araw. Sabi sa Luke 24:5-6 
 “Why do you look for the living among the dead? He is not here; he has risen!. Hindi naman maisusulat yan kung hindi talaga nangyari. Nung pagkabuhay ni Jesus Christ, isa lang ang ibig sabihin niyan, merong kabilang buhay. Kung wala din lang namang kabilang buhay, edi magpakasarap na lang tayo sa buhay. Masarap mag-iinom, tumawa ng pagkalakas lakas pag lasing na, masarap magyosi , masarap makipag-sex sa kung sino sino diyan na hot, masarap magpaligaya ng sarili at masarap ang maraming bagay-bagay dito sa planet earth. Bakit pa natin pipigilan ang sarili natin sa masasarap na bagay na yan kung mamatay lang din naman tayo after all?

Dahil alam natin na may kabilang buhay, may resurrection, pinipigilan natin na gawin ang mga bagay na yan. Naisip ko minsan, parang Lord! Luging lugi naman! Killjoy na killjoy ang dating ko pag sarapan na ang usapan. Laway na laway na! Yung tipong . .

Ako: Oy pre di man lang nag aya, may party pala senyo kagabi.

Siya: Di ka na namin inaya, di ka naman umiinom! Pangaralan mo pa kami. Hahaha!
Ako: (Nganga)

Pero hindi, dahil alam natin na may kabilang buhay dapat nag pupundar na tayo para sa kabilang buhay. Kase yung kabilang buhay eternal life na yun. Lahat ng bagay dito sa mundo temporary. Lilipas din yan. Nabuhay si Jesus Christ! There is resurrection. As a believer we will never be a loser. May gantimpala lahat ng pag hihirap. =)


But they who wait for the Lord shall renew their strength; they shall mount up with wings like eagles; they shall run and not be weary; they shall walk and not faint - Isaiah 40:31


Be patient, therefore, brothers, until the coming of the Lord. See how the farmer waits for the precious fruit of the earth, being patient about it, until it receives the early and the late rains. You also, be patient. Establish your hearts, for the coming of the Lord is at hand. - James 5:7-8


At dahil nabuhay siya, ang sarap pang hawakan ng sinabi niyang "I shall return" este  I will come back and take you to be with me that you also may be where I am. (John 14:3) 
_________________________________________________________________________________




JESUS is ASTIG because He defied gravity by ascending to heaven!